Chapter 20

109 2 0
                                    

Babe, I need you...

   
   
  

TRISHA

"BAKIT KAYA absent si Ivan, 'no?" pagbubukas ni Piol ng conversation.

Nasa cafeteria kami at nagsa-snack. Nagkibit-balikat lang ako. Ayoko ng i-stress pa ang sarili ko sa lalaking 'yun.

Pero bakit nga kaya siya absent?

Wait. Ano bang pakialam ko do'n? Kung absent siya, edi absent! Wala na akong pake. Ni wala nga 'yong pakialam sa akin. Porque may practice at excuse sa klase hindi na siya magpaparamdam gano'n? Edi hindi, ano namang pakialam ko do'n?

Tsaka hindi na nakakapagtaka 'yon, kasi gano'n naman sila minsan ng barkada niya—minsan hindi papasok kapag trip nilang magskip ng class. So, baka trip niya lang din talagang umabsent ngayon.

"My Gosh Trish! Di kaya talagang napuruhan siya sa pagkakatadyak mo sa kanya kahapon? At ngayon hindi siya makalakad dahil sa sobrang maga nito. Tapos--Aw!" naputol ang litanya ni Piol nang hampasin siya ni Hana sa balikat.

"Ang dami mong alam noh?"

"Bakit ba? Sakit no'n ah," reklamo nito sabay himas sa brasong nasaktan.

Nabaling naman sa'kin ang tingin ni Hana.

"Pero what if totoo nga ang sinasabi ni Piol, Trish?"

Natigilan ako.

"Naaalala mo ba ang itsura niya nang mga oras na 'yon? Namimilipit ba siya sa sakit?" sunod-sunod na tanong ni Piol.

Bahagya akong kinabahan. Napaisip bigla.

Hindi naman siya namilipit sa sakit, pero pansin ko ang pag-ngiwi niya t'wing hinahawakan niya ang paa niyang tinadyakan ko.

Napasinghap ako at agad na dumapo sa bibig ko ang aking kamay.

Paano nga kaya kung umabsent siya kasi napuruhan ko siya kahapon? Paano kung tama nga si Piol na umabsent siya ngayon kasi hindi siya makalakad dahil sa ginawa ko?

Shucks! Lord, 'wag naman sana. Kasi kung sakali mang totoo 'yon, naku! Hindi ako patutulugin ng konsensya ko.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko revealing an unregistered number calling me. Nagtataka man ay sinagot ko ito.

"Hello?"

"Hi"

Isang malat na boses ang sumagot saakin sa hinuha ko'y lalaki ito.

"Who's this please?"

"Babe, I need you here."

Babe?

Isa lang ang tumatawag sa akin ng gano'n. Don't tell me...

"I-van? Bakit? A-anong nangyari sa'yo?"

"I need you in my house now. Please."

"Huh, Ako? Bakit ako? Tsaka nasa---"

*Call Ended*

Tinignan ko silang dalawa. Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka. Maybe they are wondering kung bakit napatawag si Ivan sa'kin. They seem to be waiting for my explanation.

Pero hindi ko mahagilap ang tamng salitang sasabihin. Hindi mawala sa isip ko ang boses niyang parang nahihirapan. Kinakabahan ako sa nangyayari.

The NGSB CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon