Chapter 43

123 1 0
                                    

Scarred...

     

     

   

    




TRISHA

  

THE NEXT weeks came like a breez. Pagkatapos noong ginawang eksena ni Ivan sa cafeteria ay lalong umugong ang usap-usapan tungkol sa aming dalawa.
         
          

"Okay, goodbye class."
       
        
      
Isinusukbit ko ang aking bag sa aking balikat nang makaramdam ako nang marahang kalabit sa baywang ko.
           
         
          
"Wala yata ang Ivan mo," si Piol na nagliligpit na rin ng mga gamit niya.
            
          
       
"Naunang lumabas e, may pupuntahan raw."
           
         
             
     

I heared Hana hissed from behind. "Abah, himala... humiwalay sa'yo."
           
         
         
Napalingon ako sa kaniya bago kay Piol. Kapwa nakatingin sa akin. Ang isa ay halos pairap na, while the latter is taunting me. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon.

Matapos ang nangyaring public apology, Ivan has become so clingy to me. Kung noon ay dumidikit siya sa akin upang asarin ako at sirain ang araw ko. Well, nadoon pa rin naman iyon ngayon. Hindi na siguro mawawala iyon sa aming dalawa. But now, he seemed a lot.. he's becoming weird... but sweet.

Hindi naman sa ayaw ko, hindi nga lang ako sanay na gano' n na siya sa akin.
         
           
          
"Damihan mo naman 'yang kain mo," bulong ni Ivan sa akin.
          
           
         
Kumakain kami sa cafeteria kasama ang bagong nabuong barkada, mga kaibigan niya at mga kaibigan ko.
          
         
           
Sinamangutan ko siya. "Tingin mo sa akin baboy? Baka nakakalimutan mo... sa ating dalawa mas baboy ka."
          
             
       
Binagsak niya ang hawak na kutsara. Mukhang nakuha agad ang ibig kong sabihin. Sa ginawa niyang iyon ay nakuha namin ang buong atensyon ng mga kasama. Pati na rin ang mga nasa kalapit na mesa.
           
         
             
"Hoy! Bakit ba inuungkat mo pa 'yan? Akala ko ba okay na tayo?!"
             
          
           
Dinuro-duro niya pa ako sa mismong mukha ko. Agad kong tinampal ang kamay niya.
              
          
          
"Okay naman na talaga tayo. Pero hindi ibig sabihin no'n burado na ang nakaraan mo." I smirked.
                  
          
            
          
"Ano na naman 'yang pinag-aawayan niyong dalawa?". Ryan.
              
            
          
       
Napasinghap si Piol. "Ay kaloka? Kailangan talaga araw-araw may eksena kayo, 'no? Celebrity lang?"
           
          
         
        
Naririnig namin ang mga komento ng aming mga kasama rito sa mesa. Pero hindi man lang namin pinapansin. Sinaaman ako ng tingin ni Ivan, sabay nakanguso pa. I laughed at his reaction.
        
        
            

"Oh, bakit? The last time I checked, proud na proud ka pa nga. Bakit ngayon parang ikinahihiya mo na iyang titulo mo?" I chuckled.
             
             
               
Inasahan ko na ang malupit niyang rebut dahil gano'n naman kami lagi. Walang gustong magpatalo. But my brows rose when he just stared at me. The next thing I know, I felt that I kind of lost him kahit ang totoo ay nasa harap ko pa rin naman siya.

The NGSB CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon