Craving...
IVAN
"SA PANIMULA ng digmaan, nagdeklara ang United States ng hindi pagpanig sa anumang alyansa. Bagama't hindi sumali sa digmaan ang U.S., hindi ito nanatiling walang pinapanigan dahil naapektuhan din ang kanyang interes. Noong Mayo 1915, pinalubog ng submarino ng Germany and Lusitania, isang barkong British. Namatay ang..."
Panay ang basa ni Mrs. Padagas sa mga nakasulat sa librong hawak niya sa aming History class.
Magthi-thirty minutes na siyang ganyan—nagbabasa lang.
Tss. Ni hindi nga niya napapansing hindi na nakikinig ang mga estudyante niya—syempre nangunguna na ako ro'n.
Kinginang 'yan! Nakakaantok kaya ang klase niya tapos idagdag pang nagbabasa lang naman siya. Langkwenta!
"Naganap ang pagsali ng U.S. sa digmaan noong 1917 matapos mabulgar ang lihim na liham ng..."
Tangina! Mahuhulog na yata ang mga talukap ko. Malapit na akong mawalan ng ulirat. Nakikita ko na ang liwanag. Nakakaantok na talaga!Kailan ba siya titigil diyan!
And it's as if she heard me when she fin'ly stopped. Haaaaaay.... salamat naman. Nakuha niya ang atensyon ng lahat.
"Now, can anybody from this class explain kung ano ang naging epekto sa takbo ng digmaan ng pagsali rito ng U.S?" biglang tanong niya matapos siyang magbasa.
Punyemas na 'yan! Hindi na nga siya nag-explain... nagawa pang magtanong?!
Kanya-kanyang diskarte ang lahat—nagsisipagyukuan, lumilingon-lingon sa kung saan. Nag-iiwas na mapatingin sa harapan. Ang ilan naman ay nagkukunwaring may sinusulat sa notebook at ang iba ay kunyare nakatingin sa ibang direksyon—napaghahalataang umiiwas sa tingin niya dahil ayaw matawag. Siyempre nangunguna na ako ro'n.
"Dre, may sagot ka do'n?" kinakabahang usisa ni Ryan sa akin.
Pinangunutan ko siya ng noo. "Siyempre..."
"Talaga? 'Di nga?!"
Namilog ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. Pati ang ibang tropa ay napapalingon na rin sa akin.
"Siyempre, wala!" I hissed.
Nagsipag-ngiwian sila sa sagot ko.
Tangina kasi. Bakit kailangang magtawag pa ng sasagot diyan sa tanong niya. Eh, makikita lang naman sa binabasa niyang libro.
Iyon nga lang wala kaming kopya ng librong tulad ng kaniya. Iba iyong gamit niya eh. Bida-bida rin 'to. May libro naman kami naghahanap pa ng iba. Aba eh, talagang wala kaming maisasagot. Especially the fvck!---este the fact na hindi naman kami nakinig kanina sa boring niyang discussion.
Mali. Hindi pala discussion. Reading lang yata ang naganap. Wala naman siyang ginawa kung' di ang magbasa lang ng librong hawak niya. Ni wala na ngang paliwanagang nagaganap.
Sabagay ganyan naman talaga siya dati pa. Nagbabasa lang.
"Walang gustong mag-volunteer?" Walang sumagot sa kanya. "Okay, so I guess I have to call one."
Halos mapamura ako nang dapuan ako ng kaniyang tingin bigla. Nyeta!
Subukan mo lang banggitin pangalan ko, magkakagulo tayo. Ngunit parang hindi niya nakuha ang tingin ko.
"Mr. Dominguez, sagutin mo 'yong tanong."
Anak ng!
BINABASA MO ANG
The NGSB Casanova
Teen FictionTrisha Landymore Perez, grew up in a loving home with her parents. Growing up she was pampered and was given everything she needed in life. But then, growing up, she has also been wanting to have an older brother... someone she could rely on, someon...