Game...
HALOS LAHAT ay busy sa kanya-kanyang mga ginagawa. Nagsisimula na kasi ang mga laro para sa sports fest. Wala na nga kaming mga klase sa lahat ng subjects para makapanood daw ang mga students sa iba't ibang games. Nagstart na ang volleyball game at iba pang laro. Mamayang konti ay magsisimula na rin ang soccer game nina Rocco.
Kaya nga itong si Hana ay kinukulit na kami na pumunta na ng soccer field kahit may twenty minutes pa naman kami bago magstart ang laro. Ang sabi niya, mabuti na raw kasi ang maaga para makahanap daw kami ng magandang pwesto. Para hindi raw kami mahirapan sa panonood.
If I know, gusto niya lang talaga makita nang malapitan si Rocco. Asus...
"Okay fine, let's go." natatawang pagsuko ko rito na ikinangisi naman niya.
Pagdating naming tatlo sa field ay medyo marami na ring tao pero marami pa rin namang vacant seats maging sa unahan. And knowing Hana, gusto niyang sa unahan talaga kami dahil do'n mas kita ang pinakapaborito niyang player. Kaya heto nga at sa unahan kami pumwesto—nasa gitna nila akong dalawa ni Piol.
Habang naghihintay kaming magsimula ang laro ay natanaw ko si Rocco na palapit sa'min. Nag-hi siya sa amin na ginantihan rin naman namin nang bati.
"Tinatanong ni Trish kung sina Ivan ba manonood?" walang anu-anoy biglang singit ni Piol na agad ko namang pinandilatan.
Loka-lokang 'to... imbento. E, wala naman akong sinasabing gano'n.Pakialam ko ba sa isang 'isang 'yon. Manood siya kung gusto niya, tutal kaibigan niya naman 'tong maglalaro. Kung ayaw niya, edi wag niya. Sinong pumipilit sa kaniya.
Ang kapal pa ng mukha... hindi man lang ako nireplyan kagabi. Tss.
"Ah sila ba? Oo naman," sagot ni Rocco pero parang kay Hana nakatingin?
Tinignan ko naman si Hana na nakatingin rin pala kay Rocco. Whoah, Ano 'to ha?Am I missing something? Hmmm...
"Oh, ayan na pala sila."Iminuwestra ni Rocco ang kaniyang ulo sa aming likuran. Nakaturo sa paparating na sina Ivan. Kahit hindi ko lingunin ay naniniwala akong andiyan na nga sila. Malayo pa man ay rinig na ang ingay nila.
At habang palapit sila nang palapit ay hindi ko alam kung bakit unti-unti rin akong kinakabahan. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Shocks!
"Hi guys!" bati ni Piol sa mga kararating lang. "Upo kayo. Hana, tabi nga tayo may sasabihin ako sa'yo."
Nanlalaki ang mga mata kong pinagmamasdan si Piol na lumipat ng upuan. At nang lumingon siya sa akin ay kinindatan niya lang ako.Aish! I should have seen this coming. Sabi na nga ba't may plano ang babaeng 'yon.
Kanina niya pa kasi ako kung nag-usap na ba kami no'ng asungot na 'yon dahil padabog daw 'yong umalis ng gym kahapon bitbit ang mga gamit ko. Siyempre sinabi kong hindi dahil 'yon naman ang totoo. 'Tsaka sinabi ko rin sa kanyang hangga't maaari ay ayaw ko itong makausap dahil wala naman akong sasabihin do'n.
Pero ano 'to? Bakit parang pinagkakanulo niya ako? Buset.
Saglit lang at naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Pikit-mata akong nananalangin na sana hindi si Ivan ang tumabi sa'kin. Pero sadyang malas nga siguro talaga ako.Hindi ko siya matignan. Ewan ko, pero hindi ko kaya. Kinakabahan ako. Pero nakikita ko siya sa gilid ng aking mga mata. Nakatingin lang din siya nang diretso sa harap.
BINABASA MO ANG
The NGSB Casanova
JugendliteraturTrisha Landymore Perez, grew up in a loving home with her parents. Growing up she was pampered and was given everything she needed in life. But then, growing up, she has also been wanting to have an older brother... someone she could rely on, someon...