Chapter 22

143 2 0
                                    

Sick Ivan...











I HAVE no class today. It's Saturday kaya heto't nasa bahay lang ako ngayon. Mahigit two hours na rin akong gising at nakahiga lang dito sa kama. And now I'm bored. I wanna do something. No. I wanna go somewhere.

Mag-mall kaya ako ngayon? Yah. Tama, tapos isasama ko si Alex. Medyo matagal na rin kasi mula no'ng huli kaming lumabas na dalawa.

Agad akong bumangon at nagtungo sa kwarto niya. Kumatok ako sa pinto. But I didn't wait for her response dahil agad na rin akong pumasok sa loob. Naabutan ko siyang nagsusulat sa may study table niya.

Umupo ako sa kama niya. "Lex mall tayo."

"Busy ako couz," sagot niya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Busy raw? Well, tignan natin kung makakatanggi pa siya sa susunod kong sasabihin.

"Sige na, labas tayo... my treat!" I smirked.

I'm sure she won't be saying 'no' to my offer. 'Yan pa, eh gustong-gusto niyang ako ang taya t'wing lalabas kami.

But her answer struck me.

"No. I said I'm busy," she said still not giving me a glance.

Seryoso? Tinanggihan niya?

Well, busy nga yata talaga siya. Sabagay nasa kolehiyo na siya. Magkaiba na ang mundo namin. Hindi na tulad no'ng dati. Hindi ko siya pweding basta na lang yayain sa kung saan. Iba na ang schedule, mas abala na siya ngayon.

Kaya sige, iintindihin ko ang pagtanggi niya.

"Wait."

Pigil niya nang papatayo na sana ako para umalis.

"Bakit? Sasama ka na noh? I knew it! Hindi ka talaga makakatanggi sa libre." I beamed.

Humarap siya sakin at tinaasan ako ng kilay. Ngitian ko lang siya.

"Why were you absent the other day? Tumawag sa'kin si Piol tinanong kung nasa'n ka no'n," tanong niya ignoring what I said earlier. "And kanina lang sinabi ni Nay Precy na ginabi ka raw ng uwi that same day," dagdag niya pa at mas itinaas ang isang kilay.

Natigilan ako, naalala ko bigla ang araw na 'yon. She's referring to the day na umabsent ako para pumunta sa bahay ni Ivan. Pero bakit pa sila, magtatanong? E, alam naman nilang pupunta ako ro'n. Well, siguro hindi nila inaasahan magtatagal ako doon.

Now that I remember, naalala ko na naman ang nangyari.

MATAPOS KONG marinig ang iconic 'stay' ay parang awtomatiko akong napabalik sa kinauupuan ko kanina. I don't know, but it made my heart skipped a beat for a moment. It was like for a fraction of moment, my world stopped.

Napahinga ako nang malalim. I have decided to stay, of course. Bukod sa sobrang kawawa siya kanina habang nagmamakaawa sa'kin, hindi ko rin siya kayang tanggihan sa mga sandaling iyon. Ewan ko, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.

Sinabi ko sa kanyang tawagin niya ang mommy niya pero ayaw niya naman. Ang sabi niya, gusto niya raw'ng ako. Mas madali raw siyang gagaling kapag ako ang nag-alaga sa kanya. I just made a face at him. I knew, his just making fun of me. Gusto niya lang akong pahirapan kasi alam niyang wala akong alam dito. Kaya heto nga't nahihirapan na ako.

Pupunasan ko siya nang malamig na tubig. Ewan ko kung effective ba 'yon, pero iyon kasi ang lagging ginagawa ni Nay Precy sa amin ni Alex kapag may lagnat kami. Para daw mawala o mabawasan ang init ng katawan at bumaba ang body temperature.

The NGSB CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon