Chapter 30

128 1 0
                                    

Not a Date...






TRISHA

"Teka nga, saan mo ba ako dadalhin?" bulyaw ko sa lalaking kasalukuyang minamaneho ang sinasakyan naming kotse papunta sa kung saan.

Kanina pa tumatakbo itong kotse pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan kami patutungo.

And heaven knows na naiinis na ako sa kanya dahil hindi niya ako kinikibo. It's like I am not here beside him sitting on the passenger's seat.

"Tsaka bakit mo ba naisip na i-date ako?"

Bakit niya nga ba ako idi-date? Does this mean na gusto niya na talaga ako? Na totoo na nga ang feelings niya para sa akin?

Oh, c'mon Trisha, sino bang niloko mo?

And after many years, heto't sa wakas ay tinapunan na rin niya ako ng tingin. So, it only takes that question to make him notice me here, huh.

He looked aat me like I'm some crazy girl here, blurting out hilarious things.

"At bakit naman kita idi-date?"

Napanganga ako.

"That's what you said back there."

Itinuro ang pinanggalingan namin. Na parang nasa likod lang namin ang eskwelahan. But truth is, hindi ko na ito maabot nang tingin sa layo na ng aming narrating.

Bigla naman siyang nagpakawala ng pekeng halakhak.

"You wish. This is not a date."

Sabi niya bago ako saglit na sinulyapan. Seryoso ang mukha nang muling itinuon niya ang atensyon sa daan.

Sabi na nga ba't pinagtitripan na naman ako ng lalaking ito. Sino ba naman kasing maniniwala na magyayaya ng date ang isang Ivan Dominguez? That's impossible!

Pero 'yun ang sabi niya kanina. He said he'll take me on a date.

Aish! Nababaliw na yata ako. Kinakausap ko na ang sarili ko.

Kasalanana mo, naniwala ka. Alam mo namang natural na siraulo iyang kasama mo. Bulong ng matinong parte ng utak ko.

Ano 'to? Sinasama-sama niya lang ako dito para maging tau-tauhan sa kotse niya? Nababagot na ba siyang mag-isa kaya heto't isinama niya ako para maging pansamantalang aliw niya.

"Fine."

Bagama't nagtataka, hindi na lamang ako nagsalita pa.

Sabi niya kanina idi-date niya ako, eh. May pahila-hila pa siya. Tapos ano? Ngayon, sasabihin niyang hindi ito date? Pwes, kung hindi, edi hindi.

Sino ba kasing may gusto nito? As if naman gugustuhin kong i-date niya ako.

Baka kapag pinilit ko pang ipaglaban 'yong puntong nasa isip ko ay isipin pa niyang gusto kong i-date niya ako. Isipin niya pang nag-eexpect ako, eh hindi naman.

Hindi nga ba?

Ah basta. Bahala siya sa buhay niya.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at isinandal ang ulo sa may bintana ng kotse. Matutulog na lang ako. Tutal, HINDI naman ito date.

Mayamaya pa ay naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Inaantok pa ako eh.

Eksaktong pagmulat ng mga aking mata ay mukha niya agad ang bumungad sa akin. Ang lapit-lapit ng aming mga mukha—I guess it was just few inches apart. Parang biglang nawala ang antok ko. He was just merely staring at my eyes and I to his.

The NGSB CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon