DATE?!...
"SORRY NA nga kasi," pagsusumamo ko kay Hana.
"Doon ka na sa mga new found friends mo." nagtatampo pa ring sagot niya habang idinidiin ang mga salitang 'new found friends'.
Nagtatampo siya dahil hindi ko raw siya nadalaw kahapon. Nag-promise pa naman akong bibisitahin ko siya—she was expecting me. And I disappointed her nang hindi ako makapunta dahil nga sa kasama ko sina Kevin kahapon, at nakalimutan ko na. Sa sobrang aliw ko habang kasama ang mga iyon ay nawala na sa isip ko.
Isa pa iyon sa ipinagtatampo niya. Sabi niya, okay lang naman daw sana kung sa ibang rason lang. Pero iyon lang—dahil lang nag-enjoy ako sa company nila at nakalimutan ko na raw siya and worst ay sila pa na dati-rati naman kinaiinisan ko.
Hindi ko nga alam kung bakit bigla nalang gumaan ang loob ko sa kanila. Well maybe because I realized na hindi naman pala sila gano'n kasama. Natatabunan lang ng impression ng mga tao sa kanila—except doon sa mga fan girls nila ah.
"Diba, crush mo naman si Rocco? Edi, chance mo ma rin 'to na mapalapit sa kanya."
I smiled at her. But she just rolled her eyes ceilingward.
"H-Hindi ah...Alam ko naman ng wala akong chance doon kaya, 'wag ng i-push," parang bigla siyang nailang.
Nakuh, kapag si Rocco talaga ang pinag-uusapan, nag-iiba ang mood niya. Tsaka kunwari pa 'to, eh kitang-kita naman sa mukha niyang gusto niya pa rin. Pero hindi ko na tinukso pa dahil baka lalong lang magalit sa akin.
"Nawala lang kami ng isang araw, ipinagpalit mo na kami sa mga 'yon," dagdag naman ni Piol.
Napangiti naman ako, now I feel that I'm really this special to them at ayaw nila akong mawala. Imbes na magalit dahil sa pipakita nila ay natutuwa pa ako. I'm touched, moved perhaps is the right word for it.
Sometimes it feels good to feel and know na ipinagdadamot ka ng mga taong mahalaga rin sa'yo.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" kunwari pa'y nagsusuplada si Hana pero alam ko namang natatawa na rin siya sa itsura naming tatlo ngayon.
Para kasi kaming mga bata na nagkatampuhan dahil kinaibigan no'ng isa iyong dapat na kaaway nila. Iyong tipong sasabihin na no'ng isa na, 'hindi tayo bati!'. Nakakamiss rin pala maging bata minsan.
"Bati na tayo," ngumungusong sabi ko sa dalawa na sinabayan ko pa ng pacute effect.
Agad namang ngumiti si Piol at niyakap ako. Sabi ko na, ito ang unang bibigay sa kanila. Madali lang naman kasing amuin ang isang ito. Si Hana, medyo matagal lalo na't talagang naiinis siya sa idea na friends na kami nung apat. Tsaka kasalanan ko rin naman kasi hindi ko natupad ang pangako kong bisitahin siya, may sakit pa naman siya. Nagsorry naman na ako.
Sabay naming tinignan si Hana habang magkayakap kaming dalawa. Nakabusangot pa rin ito pero alam namin parehong konting kembot na lang bibigay na siya.
"Yieee. Ngingiti na 'yan!" sabay naming tukso sa kanya.
"Ngiti ka na. Pumapangit ka na lalo oh, nakabusangot 'yang mukha mo," natatawang sabi pa ni Piol.
"Kapal mo!"
Kinulit pa namin siya nang kinulit hanggang sa tuluyan na nga siyang bumigay. Sabi na, daaanin lang talaga sa lambing. Tiyagaan lang naman 'yan.
Pero siyempre hindi natin dapat makalimutang ipakita kung gaano tayo ka-sincere sa paghingi ng tawad sa mga taong naggrabyado natin, nasaktan o sino mang nagawan natin ng mali. Iyon ang pinakaimportante sa lahat.
BINABASA MO ANG
The NGSB Casanova
Novela JuvenilTrisha Landymore Perez, grew up in a loving home with her parents. Growing up she was pampered and was given everything she needed in life. But then, growing up, she has also been wanting to have an older brother... someone she could rely on, someon...