Chapter 26

55 1 1
                                    

Jealous Girlfriend...




"SIGE NA booby babe," pangungulit ng lalaking nakatayo sa harapan ko.

Pinukol ko siya nang masamang tingin. "Ayoko nga, okay."

Pero ang loko hindi man lang natinag, sa halip ay nagpacute lang sa harap ko. Sabagay, ano bang bago do'n. Ano nga ba namang aasahan ko sa isang tulad niya. Siyempre, Ivan Dominguez—gusto laging siya ang nasusunod.

Kunot-noong hinarap ko siya

"Pwede ba Ivan...kahapon mo pa ako kinukulit diyan, ah."

Naiinis na talaga ako sa pangungulit niya. Well, lagi naman. But it's just that...

"I just f*cking want to buy new shoes! Aw!"
       
    
Napahiyaw siya nang hampasin ko siya sa may kanang balikat niya. Agad namang nagsalubong ang kilay ko.
     
    
"Pwede ba, 'pag kinakausap mo ko 'wag naman puro kabastusan at mura ang lumalabas diyan sa maruming bibig mo, " saway ko sa kanya.

Paano ba naman kasi, halos puro mura nalang ang lumalabas doon sa bibig niya. Puro f*ck, palibhasa kasi walang ibang alam ang bibig na 'yan kundi puro f*ck lang din.

Yuck! Sa tuwing naiisip ko kung ilang babae na ang na-ANO niya, hindi ko maiwasang hindi mapangiwi. Nandidiri ako at naiinis ako sa kababuyan niya.

Ni hindi marunong mahiya. Sa halip ay ipinagmamalaki niya pa na ang damirami nang babaeng dumaan sa kanya. Yuck! Sarap pektusan sa ngala-ngala. Ang landi, e.
     
     
"Gusto kong bumili ng sapatos. Ano okay na?" he corrected himself.

Buti naman nakinig siya sa'kin ngayon.
   
     
"Eh di bumili ka, problema ba 'yon," sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
        
        
I heard him sigh. "I want you to come with me."

O.O

Anong...

Awtomatikong nabaling uli sa kanya ang tingin ko. He looks so serious. Bahagyang nakatungo ang kanyang ulo, pero nasa akin nakatuon ang mga mata niya.

Hindi ko mahanap sa mukha niya ni katiting na senyales ng panunuya o pagbibiro na nakasanayan ko ng makita sa tuwing kausap niya ako. Ibig bang sabihin ay seryoso siya sa sinabi niyang iyon?

Pero bakit ako?

Kahapon niya pa ako kinukulit diyan. Kesyo samahan ko raw siyang bumili. Hindi ako pumayag. No one can blame me, we're not close and we're not even friends to begin with—we're enemies as far as I could remember. Yes, we may have done so much together na higit pa sa ginagawa ng normal na magkaibigan at lalong hindi ginagawa ng normal na magkaaway. Pero hindi ibig sabihin no'n close na kami. Kaya bakit ako sasama sa kanya.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi nakayanan ang init ng kanyang mga tingin. Init? Seriously Trisha, bakit may gano'n?
        
            
"You have your friends. Sa kanila ka nalang magpasama."

"No! I mean, gusto ko ng babae dahil mas marunong kayong kumilatis kung anong bagay sa amin."
     

I can hear frustration in his voice. Naiinis siya, sa'kin?

Paano nalang kaya ako. Hindi niya ba naiisip na naiinis na rin ako sa ginagawa niya at sa inaasta niya?

Kung umasta kasi siya ay parang close na close na kami. May nalalaman pang pacute eh hindi naman bagay sa kanya.

Kung hindi ko lang siya kilala, at kung hindi ko lang alam kung anong mga kabulastugang pinaggagawa niya, iisipin ko talagang may gusto na siya sa'kin. But knowing Ivan...hinding-hindi 'yan magkakagusto sa sino mang babae. Siguro magugustuhan niya ang babae pero malamang para sa kalibugan niya lang.

The NGSB CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon