Meeting the Heartthrobs...
IPINAKILALA NA sa akin ni Piol si Hana habang nasa klase kami. Mabait rin siya. Hindi maarte at hindi suplada. But unlike Piol, hindi siya gaanong maingay. Medyo maboka rin minsan. Pero tingin ko, mas madada talaga si Piol.
Hana has a fair skin, tulad ng kay Piol. Siguro ay magkasingtangkad sila. May katamtaman ang laki ng mga mata ni Hana, matangos na ilong at mapupulang labi dahil sa tint na inilagay doon. She's beautiful... and pretty good to be a friend of mine. Lumipat na rin sila ng upuan sa hanay ko, para raw may katabi ako. Nagmumukha raw kasi akong loner. Lalo pa at nasa pinakalikod ako nakapuwesto.
Pagkatapos ng Filipino class namin, ay pumunta na agad kami nina Hana at Piol sa Cafeteria para mag lunch. Dito sa Hitler's Academy, hindi pweding umuwi kapag lunch. Lahat sa cafeteria kakain. Pwera nalang kung kailangan mo tálagang lumabas.
Habang naglilibot kami at naghahanap ng vacant table, narealize ko na mas malaki pala ang Cafeteria nila dito compared sa dating school namin. Kanina kasi one side lang ng cafet ang nakita ko. E, may dalawang wing pala ito... left and right wing. Hindi ko na napuntahan pa ang kabuuan nito. Kaya inakala kong maliit lang. Nasa Right wing kami kung saan mas malapit sa classroom na pinanggalingan namin.
The tables here are of many sizes. There are four-seaters, two seaters, six, eight and the biggest with ten-seaters. But mostly ay pang apatan ang mga mesa. May tatlong mesa lang yata para sa sampu ka tao. I'm not really sure, though. We chose to get a table for four.
"Order na tayo ng food," anyaya ko sa kanila.
Iniwan namin ang mga bags at iba pang gamit sa table. Mahirap umorder kapag gano'ng marami dala. Bukod doon ay para hindi na rin kami maagawan ng pwesto.
Umorder ako ng fried chicken, a cup of rice, spag, ang a large coke. Hindi naman ako natural na matakaw. Pero minsan napaparami ang kain ko lalo na kapag masarap ang nakahain o nasa mood ako para kumain. Right now, it's both.
"Bakit dito mo sa H.A. naisipang lumipat?" tanong bigla ni Hana nang makaupo na kami.
Nasa harapan ko silang dalawa. Samantalang, mga gamit at bag lang ang katabi ko. Napaisip ako sa tanong na iyon. Wala naman akong particular na rason. Ito lang talaga ang napili ko. Ipinagkibit-balikat ko na lamang ang kawalan ng sagot.
"E, bakit ka nga pala lumipat?" si Pi iyon.
Natigilan ako. Nahilaw ang kaninang magandang ngiti. Napalunok ako at saglit na iginala ang tingin sa paligid. Nang muli ko silang baking an ang nakatingin pa rin pala sila sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako.
Piol smiled. "Ay naku, buti nalang talaga at dito ka lumipat, 'no. Kung'di ay hindi ka namin makikilala."
Isang matamis na ngiti lang ang iginanti ko sa kanila. I am thankful as well.Napahinto kami sa pagkain nang biglang mag-ingay ang paligid.
'Kyaaah!!! Ivan is so hot talaga. ''Ang gwapo ni Kevin lalo na ni Ivan noh?'
'OMG!! Andito na sila!!'
'Kyaaaaah!!!! They're so hot!!'
"Ano raw? Anong meron?"
Nabitin sa ere ang pagsubo ko.
"Andito na kasi ang mga heartthrobs ng school!" parang kinikilig rin na sabi ni Hana.
What was it again? Heartthrobs? Meron pala no'n dito? Omg really?
BINABASA MO ANG
The NGSB Casanova
Genç KurguTrisha Landymore Perez, grew up in a loving home with her parents. Growing up she was pampered and was given everything she needed in life. But then, growing up, she has also been wanting to have an older brother... someone she could rely on, someon...