Chapter 31

54 1 0
                                    

Titigan...



Isa-isa kong inilagay ang mga gamit ko sa loob ng bag at saka isinukbit ito.

"Ano tara na?" yaya ni Piol nang palabas na kami ng pinto ng classroom.

"Bakit saan ba tayo pupunta?" tanong naman ni Hana.

  
Napatingin din ako rito. Maski ako ay hindi ko alam kung saan ang tinutukoy niyang pupuntahan namin. Wala naman kasi siyang sinasabi.

"Edi, manunuod ng practice game. Ininvite ako ni Brix no'ng isang araw eh. Last formal practice na nga raw kasi nila before the game tomorrow. Ano tara?" nauna na siyang maglakad.
   
 

Oo nga pala, bukas na pala ang sports fest. Ang bilis nga naman lumipas ng araw.

Pero bakit siya yayayain ni Brix? Friends na kaya sila?

Nagkatinginan lang kami ni Hana saka sabay na nagkibit balikat at sinundan itong maglakad papuntang gym.
  
     

 
---
 
 

"Go guys!" pagchi-cheer ni Piol.

Agad naman akong napatingin sa kanilang dalawa.
  

"Close na kayo?"
   
 
But instead of saying anything, nagkibit balikat lang si Hana bilang sagot. Then, she snapped her fingers like she remembered something important.
  
   
"Ano nga palang nangyari sa date niyo ng Casanovang 'yon?" She said opening the conversation.

Bigla ko namang naalala ang nangyari especially the car scene.

Ghad! Ang landi ko no'n ah, talaga bang nagawa ko 'yon?

Hiyang-hiya tuloy ako sa sarili ko. Parang hindi ako 'yon—parang wala ako sarili ko nang mga sandaling iyon. Baka naman sinapian ako ng kung anong espiritu nang hindi ko namalayan.

 
Oh my Gosh! Hindi kaya gano'n nga ang nangyari kaya ko nagawa iyong kahiya-hiyang eksenang 'yon?
   

"Uy, ano na?" She snapped me back to my senses.
   

Sunod-sunod naman ang aking pag-iling. "W-wala nga eh." Agad namang nag-init ang mukha ko kaya nag-iwas ako ng tingin.

Mabuti na lang at hindi na niya ito inungkat pa. At mabuti na lang din at busy si Piol sa panonood kaya hindi niya narinig ang pinag-uusapan namin ni Hana—and I thank heavens for that. Kasi baka sumingit pa siya sa usapan tapos gisahin ako nang walang hanggang katanungan at mapaamin ako nang wala sa oras.

Pagkatapos ng kanilang practice ay isa-isa na silang nagsilapitan dito.

"Hi, two gorgeous ladies!" Ryan greeted.
  
  
Bakit dalawa lang?
   

"Two? Eh tatlo kami eh." Tila nabasa ni Piol ang nasa utak ko at siya na ang nagsatinig nito.
  
  
Napatayo na rin siya. "Sinasabi mo bang hindi ako maganda?" singhal niya pa rito ng nakapamewang.
   

"Uy, wala akong sinasabing ganyan. Ikaw nagsabi niyan." Natatawang sagot naman ni Ryan na nagpatawa na rin sa iba—even Hana and me.

Pero paanong nangyari 'to? Close na ba sila?

"Friends na kayo?" bulong ko kay Hana na tinanguan niya lang dahil natatawa pa rin siya sa dalawa na nagsasagutan na ngayon.

Tinanong ko pa siya kung kailan at paano nangyari, pero nagkibit balikat lang siya.

So magkakaibigan na nga pala talaga sila ngayon?

Ano man ang dahilan, what's important is magkakasundo na kaming lahat. Well, except for these two here na nagbabangayan. Nakikitawa na rin nga ako kasabay no'ng iba. Nakakatuwa kasi silang tignan.

The NGSB CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon