Chapter 1

537 4 1
                                    

 

  

  

TRISHA

"HAAAAY!! Ang gwapo talaga ng boyfriend ko! Ang cute-cute, sarap halikan!"

I heaved a sigh. Pinagmasdan ko ang mukha ng boyfriend ko. Matangos ang ilong, magagandang pares na mga mata na para bang hahalukayin ang kaluluwa mo kapag tinitigan ka na niya. At gusto kong maglupasay sa kilig dahil tinititigan niya ako ngayon.

Isinuksok ko sa likod ng aking tainga ang ilang takas na buhok.

"Hubby naman, 'wag mo naman akong titigan nang ganyan. Ano ka ba, parati mo nalang ginagawa 'yan. Nakakainish ka naman e," nangungusong puna ko sa kaniya.

Pero gaya ng dati, hindi siya sumagot. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Ang mga labing isa sa mga gustong-gustong ko sa kanya noon pa man, maliban sa kanyang mga mata.

Ang ganda-ganda talaga ng lips niya. Feeling ko mas maganda pa ang mga iyon kaysa sa lips ko.

Nakakainis naman, e! Ang sarap halikan!

Hinaplos ko ang mukha niya. Ang kinis ng boyfriend ko. Matikas at matangkad. Isa siyang Filipino model, football player, isang sikat na artista at isang businessman. A Brazilian-Japanese descent. Sa edad na thirty-one ay marami na rin siyang napatunayan at narating sa buhay. Ang swerte ng babaeng mapipili niya.

At ang swerte ko sa kanya. Sa dinami-rami ng mga nagkakandarapa sa kanya, ako ang pinili niya. Who wouldn't give in to this man? I wonder.

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Halinhinang tinitignan ang kanyang mga mata at ang kanyang mga labing tila hinihikayat akong tikman ang mga iyon. I closed my eyes, anticipating his kiss...that didn't happen. Instead, I felt a pillow hit my head from behind.

"Ouch!" kunot-noong nilingon ko ang pinanggalingan ng unang 'yon.

And I wasn't surprise to see who's standing at the doorway. She was leaning at the door jamb, with her arms crossed in front of her. She was looking at me like I'm some kind of a sick girl.

Kanina pa siya diyan? Bakit hindi ko naman napansin na bumukas ang pintuan?

"Umagang-umaga pinagpapantasyahan mo na naman iyang poster ni Daniel Matsunaga!" puna niya sa kahibangan ko.

Napangiwi ako. Tss. Kahit kailan talaga, basag trip ang bruhildang ito.

Muli kong tinignan ang poster. Oo! Poster lamang iyong kanina ko pa kinakausap!

Itong bestfriend ko talaga slash pinsan ko, sobrang kill joy. Akala mo naman kung anong kabulastugan ang ginagawa ko. E, parang kinakausap lang itong poster ni Daniel, e.

"Parang 'yon lang, nagagalit agad," I pouted. "Palibhasa wala kang jowa...walang loveli---Aaaw!!"

I was cut off nang hinampas niya ako sa braso.

"Masakit 'yon ah!"

"Talagang masasaktan ka! Kung makapagsalita ka r'yan, akala mo naman jowa mo talaga. E, hindi naman!" angil niya.

I pouted more. I faced my loves again with a sweet smile plastered on my face. Hinaplos ko ang makinis niyang mukha.

"Talaga naman ah...boyfriend ko nama---Aaaw!! Ano ba!"

Salubong ang kilay ko nang lingunin ko siyang muli. Hinampas na naman ako nang pagkalakas-lakas. E, ang bigat pa naman ng mga kamay. Tsk! Nakakarami na talaga itong babaeng ito. Ang sakit kaya ng hampas niya!

The NGSB CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon