Special Chapter for Piol and Ryan...
PIOL
"WHO'S THE secretary of the class?" Ma'am Premacio asked.Itinuro ako ng mga kaklase ko. Of course, I am the secretary—the sexetary, of the class. Walang pwedeng umangal do'n. Ang umangal ililista sa Noisy. Charot!
Dumako ang tingin niya sa akin kaya agad na rin akong lumapit sa kanya. Hindi naman pweding hintayin ko pang siya ang lumapit. That's so disrespectful kaya.
"Bakit po ma'am?" tanong ko nang makalapit na ako sa kanya.
Bahagya ko pang sinilip ang sinusulat niya. Nagbabakasakaling naroon ang sagot sa tanong ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang biglaang nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Please go to the SSG office and hand this to the SSG secretary."
She handed me the papers, iyong inaasikaso niya kanina pa. Tatango-tango namang tinanggap ko ito.
Sinilip ko kung ano ito. Pero bago ko pa man Mabasa nang tuluyan ay napabalik ang atensyon ko sa kanya ng muli siyang magsalita.
"Dapat sa kanya mo lang 'yan ibigay. Kung wala siya do'n, please pakihintay na lang. Kailangang maipasa mo 'yan sa kanya before this day ends. Thank you."
Sunod-sunod na tango ang ginawa ko. "Okay po ma'am."
Paalis na ako nang may magsalita sa likuran ko. Nagitla ako nang mapagtantong si Ryan ito.
Tsk. Ano na namang kalokohan ang iniisip ng isang 'to?
"Sa tingin ko ma'am kailangan niya ng kasama."
Nanlaki ang mga mata ko sa naarinig. Anong...
Tinignan ko siya. Ngunit isang ngisi lang ang bumungad sa akin habang iginagalaw-galaw niya ang kanyang mga kilay na para bang magugustuhan ko ang ideya niya. Neknek niya!
Pinigilan ko ang sarili kong mapairap sa sinabi nito. Napaayos ako nang nabaling sa akin ang atensyon ni ma'am Premacio.
"Do you need someone to accompany you there?"
Tinignan ko ang lalaking katabi ko na noo'y nakatingin na rin pala sa akin. He was giving me this mischievous smile of him, that I find creepy, disgusting and annoying all at the same time.
May binabalak pa yata itong lalaking 'to. Pwes...tignan natin kung uubra siya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinantayan ang kanyang pilyong ngiti. I turned my gaze back to ma'am Premacio. "Hindi na po kailangan ma'am," I politely declined.
I turned to him. "Thank you, but I can manage."
Bakas sa mukha niya ang bahagyang pagkagulat. Marahil ay hindi niya inasahan ang naging sagot ko. Akala niya siguro hahayaan ko siyang sumama sa'kin at gawin kung ano mang balak niya. Well, sorry.. not sorry.
Nginitian ko lang si ma'am Premacio at nagpaalam na. Hindi ko na muling sinulyapan pa ang lalaking nabigo sa plano niya—kung meron man. And I strongly believe na meron nga.
Pagkarating ko sa SSG office ay sarado ito kaya kumatok ako, nagbabakasakaling may tao sa loob.
"Please come in!" rinig kong sabi ng tao sa loob—which I presumed na isang babae base na rin sa boses nito.
Tahimik akong nagdasal na sana naman siya na ang SSG secretary para hindi na ako maghintay pa sa loob. Sabi pa naman ni ma'am na kung wala ang taong 'yon ay hihintayin ko pa hanggang sa bumalik.
BINABASA MO ANG
The NGSB Casanova
Teen FictionTrisha Landymore Perez, grew up in a loving home with her parents. Growing up she was pampered and was given everything she needed in life. But then, growing up, she has also been wanting to have an older brother... someone she could rely on, someon...