Chapter 32

115 1 0
                                    

    

Maniac na Asungot...

    

   

KINALADKAD KO si Christoph palabas ng gym, hanggang palabas ng campus.

Pagtapak namin sa labas ng gate ay saka ko lang naisipang huminto. Tutal wala naman na ang damuhong lalaking 'yon dito kaya okay na.
              
             
               
"Okay stop. Hooh! Hiningal ako do'n ah."

I stopped, panting from the fast pace. Hinarap ko si Chris.

Nang harapin ko siya ay nakita kong maging siya ay hiningal rin pala sa walang prenong paglalakad namin kanina. Halos lakad takbo na kasi iyon.
                     
               
             
"Pwede ko bang tanungin kung bakit nagmamadali ka kanina?" natatawa pa siya kahit medyo hinihingal pa rin.
                 
               
         
"W-wala. Gusto ko lang makahinga dahil parang ang init do'n sa loob."
                       
              
              
"Talaga?"
               
               
               

Pinanliitan niya ako ng mga mata. Mukhang ayaw pa yatang maniwala.
              
            
                
"Teka nga, ba't ba ako ang hina-hot seat mo dito? Diba dapat ako ang nagtatanong sa'yo?" pag-iiba ko ng usapan. "Ano nga palang kailangan mo sa'kin?"
                   
               
             
Tila natauhan naman siya sa tanong ko at parang ngayon niya lang naalala ang sadya niya sa akin.
                    
               
            
"Ahh...'yon ba? W-wala. Gusto lang sana kita yayaing sumama sa'king magpahangin, maglakad-lakad. Wala kasi akong ibang kasama. "
                   
                
             
Pahina nang pahina ang boses niya. Halatang nahihiya. Bahagya pang napapakamot sa kanyang noo.

Natatawang pinagmasdan ko siya. Kalalaking tao, sobrang mahiyain.
  
  
"Yon lang ba? Sus, ano ka ba... no problem. Nilibre mo nga ako dati ng kwek-kwek 'di ba?" natatawa kong sabi.

Natawa na rin siya. Marahil ay naalala niya rin ang gabing 'yon. And maybe he find it quite funny also dahil biglaan lang naman 'yon tsaka hindi naman kami close talaga personally.
                       
                 
                
"Wait, ba't di kaya do'n na lang tayo pumunta but this time ako naman ang manlilibre sa'yo," excited kong suhestyon sa kanya. "Ano tara?"
             
               
Nakangiti ako habang naghihintay ng sagot niya.
                 
               
         
"I guess that would be great! Let's go," he exclaimed.
  
                  
             
         

Nagulat pa ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay at iginiya papuntang sasakyan niya. I didn't expect it. Pero binalewala ko na lang iyon. Hindi na ako nagbigay pa ng violent reaction dahil hindi naman big deal. Ako man din ay hinawakan ang kamay niya kanina nang kaladkarin ko siya palabas rito, and he didn't bother reprimand me. So I guess it really isn't a big deal.

Nakasakay na kami pareho sa kotse niya at inistart na rin niya ang sasakyan nang marinig kong nag-beep ang phone ko. At no'ng tignan ko ay nagulat ako. It was a text message from Ivan.
             
           
               
         
From: Maniac na Asungot

Where are u going?
             
             
             
              
Muling tumunog ang cellphone ko—another message from him, kaya agad ko itong binuksan.

The NGSB CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon