First Day...
"HI, excuse me. I'm Trisha, a new student here."
"So?" Abah!
Suplado pala ang isang ito. Pasalamat siya, mahaba ang pasensya ko.
Inisip ko na lang na maaring ganoon siya dahil hindi niya ako kilala, transferee ako. Maybe hindi lang talaga sila comfortable sa mga baguhang tulad ko. Kaya sige hahabaan ko ang pisi ko. Hinabol ko siya. At dahil gusto kong makuhang muli ang atensyon niya ay napahawak ako sa iba ang braso niya. That made him stop and look at me.
Sinulyapan niya ang kamay kong nakahawak sa kaniy. His brows are furrowed.
"Sorry. Kailangan ko lang talaga ng mapagtatanungan. By the way, you are? " nakangiti parin ako.
Nagbakasakali pa rin akong bibigyan niya ako nang maayos na sagot. Kahit na nakakainsulto ang bungad niya sa akin.
"And why do you think I should answer you?" pagsusuplado niya pa.
Grabeh ah! Wa epek yung smile ko.Ginandahan ko pa nang konti ang ngiti ko. Ngiting hindi pwedeng tanggihan kasi makokonsensya ka lang. "Simple! Kasi nagtatanong ako!" pinasigla ko ang boses ko upang itago ang namumuong inis sa loob-loob ko.
"Tss," he smirked. "Kevin. So anong kailangan mo?"
Kevin... Marunong naman palang sumagot, pinahihirapan pa ako.Matangkad siya. Siguro ay isang dangkal ang tangkad kaysa sa akin. Maputi.
Mabilis kong sinuri ang mukha niya. Mahaba ang buhok niyang umaabot hanggang sa batok. May iilang hiblang nakapahinga sa noo niya, nagbibigay ng angas sa kanyang itsura. May kasingkitan ang mga mata, matangos na ilong at hmmm... magandang mga labi. Napangiwi ako.
Tss. Cute sana kaso, presko!
"Pag ba tinatanong name mo may kailangan na agad? Hindi ba pweding nakikipagkilala lang 'yong tao?" asar ko sa kaniya.Hindi ko pa rin inaalis ang nakaextend kong kamay. Sa totoo lang, nangangalay na ako. Sana naman gumagana pa ang puso niya. Baka pweding maawa naman siya sa akin.
Tsk. Mahuhuli ako neto sa klasae, e!
"Wag na, hindi ako interesado."
Umakto pa siya na parang inip na inip na. Tinabig niya ang kamay kong kanina pa nakataas. Aba, walangya! Ang bastos naman ng taong 'to. Hindi na makausap nang maayos, uma-attitude pa."Eto na nga oh, magtatanong na. Saan nga dito yung room ng Class A?" tanong ko nalang.
Kuuhh! Pasalamat talaga siya dahil kailangan ko ang tulong niya ngayon. Kung hindi, baka nabigwasan ko na siya.
"My parents did not send me to this high paid establishment para maging tanungan lang ng mga taong tatanga-tanga." pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya.
O_O
A-anong sabi niya? Walangya talaga!
Parang nagtatanong lang, e. Ang sungit sungit. Tinawag pa akong tanga. Aba, sumusobra na siya ah! Akala mo naman sobrang gwapo. E, mas gwapo pa rin si milabs ko noh!
Tinignan ko siya nang masama habang naglalakad na palayo.
"THANK YOU, AH! SARAP MONG KAUSAP! GRABE! WHOOO!!" pahabol ko pang sigaw. Sa iba na nga lang ako magtatanong.
Ngayon babae naman iyong namataan kong papalapit. Ngumiti pa rin naman ako. Hindi na nga lang sintingkad tulad ng kanina, napanis na.
BINABASA MO ANG
The NGSB Casanova
Teen FictionTrisha Landymore Perez, grew up in a loving home with her parents. Growing up she was pampered and was given everything she needed in life. But then, growing up, she has also been wanting to have an older brother... someone she could rely on, someon...