Chapter 10

172 2 0
                                    

  

Bumaliktad...

    

   

   

    

"HI IVAN!"
    

The next morning, I went to school in such a good mood. I was even humming under the shower. Even Alex noticed it while we were in the dining area. And while I was walking my way to the classroom, I was smiling like I won the lottery, which is so impossible because I don't even patronize that.

Nang pumasok ako sa loob, isang nakabusangot na Ivan ang nabungaran ko. What a view. What a sight to see. At para lalo siyang mabuwesit, tulad ng lagi niyang ginagawa sa'kin, ginatungan ko pa.
  
   
"Hi!"
    
 
I was all smiles, when I greeted him again. He was looking at me like he wanted to behead me, right here, right now.

"Bwisit!" bulalas niya habang nakabusangot pa rin.

Naglakad ako palapit sa upuan ko at inilagay ang mga dala-dalang gamit. Sinulyapan ko siya uli bago umupo at napabunghalit ng tawa nang makita uli ang mukha niyang parang hindi na maipinta.

Sapo-sapo ko ang aking tiyan habang walang-tigil ang tawa. And I was facing him, while doing that.
   
    
"F*ck! Pwede ba tumigil ka nga sa katatawa, nakakabadtrip ka na ah!" singhal niya sa'kin. Bakas sa boses niya ang pagkapikon.
    
   
Tumigil ako sa pagtawa at bahagyang pumihit paharap sa kanya.
     
     
"Bakit, bawal na bang tumawa ngayon?"
     
     
Kita sa mukha niya ang pagkairita. Pikunin talaga 'tong lalaking 'to. Ang hilig-hilig mantrip ng ibang tao, tapos kapag siya na ang mapagtripan, ang bilis mapikon. Ang bilis-bilis uminit ng ulo. Para namang hindi sanay. Kala ko ba tiyuhin niya 'yong demonyo.

I guess he didn't know about the golden rule, 'Don't do unto others what you don't want others to do unto you'.

"Buti sana kung hindi ko alam na ako ang pinagtatawanan mo. Tsaka ang sakit kaya ng katawan ko dahil sa mga pinaggagagawa mo." reklamo niya na parang bata.

"Buti nga sa'yo! Manyak ka kasi." natatawang sabi ko.

Napatigil ako sa pagtawa nang mapansin kong lahat na pala ng kaklase namin ay nakatingin sa'ming dalawa. Pati si Ivan ay napatigil. Ngayon lang din yata napansin 'yon.

Masyado yata kaming naging focus sa pang-aasar sa isa't isa. Ni hindi na namin agad napansin na nasa aming dalawa na pala ang atensyon nila. Pero ang lalo kong ipinagtataka ay ang mga itsura nila. Hindi ko maintindihan kung para saan ang mga tinging 'yon.

Para silang nakasaksi ng isang kahindik-hindik na pangyayari. Nanlalaki ang mga mata nila, may iilan pang nakaawang ang mga bibig na nakatingin sa amin. Hindi ko mawari kung 'yon ba ay dahil nag-uusap kaming dalawa ni Ivan, o dahil bumaliktad na ang sitwasyon. Ako na ngayon ang nang-aasar sa aming dalawa. Whatever it is, I don't know.

Dumako ang tingin ko sa apat na kaibigan ni Ivan na hindi maitatangging bakas din sa mukha ang gulat. Nakatulala lang kasi sila habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Nang mapatingin naman ako kina Hana at Piol na nasa may pinto lang pala —mukhang kararating lang galing cafeteria. Sila man ay parang gulat na gulat rin.

Ano bang nangyari? Anong nangyayari? May namiss ba kaming pangyayari habang nag-aasaran kami? Bakit ganyan ang mga mukha nila? Ano bang kinakagulat nila?

At parang dininigng langit ang mga katanungan kong iyon, tila nasagot nang biglang magtanong si Brix.
   
   
"Anong nangyari? M-may nangyari na ba sa i-inyo bro?!" hysterical na tanong nito.
   
  
Lumapit pa ito kay Ivan at hindi makapaniwalang hinawakan ito sa balikat, na agad namang tinampal ng huli.
   
  

The NGSB CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon