Blackmail...
TRISHA
TODAY WAS not a very busy day. I didn't even have much to do. Isang ordinaryong araw. A regular day of classes. It was a peaceful day. But it didn't feel normal... at all. Well, my days, seems so dull these past few days.
I don't know what's wrong with me but the normalness of this day doesn't feel normal to me, at all. Walang masyadong stress dahil puro lang naman kami discussion sa araw na ito. Walang masyadong ginagawa kungdi ang maupo lang doon at makinig sa guro na hindi ko alam kung napakinggan ko bang talaga dahil parang wala namang pumasok sa utak ko. Ni hindi ko maalala ang ilan sa mga leksyon namin sa araw na 'to.
Maingay pa rin naman ang school―ang hallway kung saan maraming nagtsitsismisan, nagtatawanan at kung anuman; ang classroom na tulad ng karaniwang araw ay kahit may guro sa harap, hindi mo mapipigilang magbulungan, lalo namang nag-iingay kapag walang guro sa harapan.
Napakanormal ng araw na hindi ko alam kung bakit hindi na normal sa akin 'to. Walang magulo. Walang gumugulo ng araw ko. at hindi na normal iyon sa akin.
"Labas na tayo?" yaya ni Hana sa amin ni Piol.
For sure she's bored. And so are we.
Wala kaming masyadong matinong klase dahil busy ang lahat sa nalalapit na Sports fest —interschool sports competition. Mabibilang na lang kaming natitira sa klase dahil marami sa mga classmates namin ang kasali sa varsity team ng school. Kabilang na nga doon ang grupo ni Ivan.
Dapat talaga papasok na sila sa klase sa linggong 'to. Kaso, in-excuse uli sila dahil matindi daw ang kompetisyon ngayon. This year's competiton is a pressure to the school. Gaya ng sabi nila, we've been the champion for the past years. Usap-usap ang grabeng pag-eensayo ng ibang school sa kagustuhang pababain kami sa trono. Mapapahiya ang buong school kapag nangyari iyon kaya todo effort din ang lahat.
Ang iba naman sa mga teachers namin ay busy sa preparations, and some of them chose not to conduct classes dahil nga konti lang naman kami.
"Let's go, magbi-break time na rin naman," walang ganang dinampot ko ang mga gamit ko sabay tumayo.
They both mirrored my action.
"Nakakapagod din pala talaga 'yong ganito noh? Iyong wala tayong ginagawa maghapon," sabi ni Piol habang kumakain kami sa cafeteria.
"Yeah. Pero kapag may ginagawa naman tayo, we still complain dahil nga nakakapagod." dagdag naman ni Hana sabay tingin sa katabi niya.
Gaya nang nakasanayan namin. Magkatabi sila ng upuan habang ako nama'y nasa tapat ni Hana. So, wala akong katabi.
Okay lang naman sa akin 'yon. It's no big deal. Hindi naman ako gano'n kasensitive na tao na magtatampo agad sa simpleng bagay na iyon.
Tumango lang ako sa sinabi nila. We often complain kapag may pasok dahil napapagod tayo sa dami ng ginagawa sa school. But even without classes —in times like this, we still complain dahil nababagot tayo nang walang ginagawa. Tao nga naman. Humans as we are, we rarely feel contented of what we have.
Habang kumakain kami, bigla na lang ngumuso si Hana sa direksyon ko.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?"
Bumunot ako ng table napkin at sinubukang punasan ang bibig ko. Pero hindi siya natinag, nakanguso pa rin siya. Binalingan ko si Piol at nakita ang dahan-dahan niyang pag-iling. Kaya lalo akong nagtaka.
Naisip kong tignan kung anong nasa may likuran ko. "Bakit ano bang mero---"
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang mabungaran ko si Ivan na ngiting-ngiti. Naka-jersey siya pati na rin ang mga kaibigan niyang nakatayo sa likuran niya. Himala at hindi nagpalit. Papansin rin 'to, e. gusto laging, namumukod-tangi.
BINABASA MO ANG
The NGSB Casanova
Teen FictionTrisha Landymore Perez, grew up in a loving home with her parents. Growing up she was pampered and was given everything she needed in life. But then, growing up, she has also been wanting to have an older brother... someone she could rely on, someon...