Chapter 37

102 1 0
                                    

  

Champion...










TRISHA
   

   
NAGTIPON-TIPON ang lahat ng kalahok na schools sa naganap na sports fest dito sa open field ng S.U. dahil dito ginanap ang huling mga laro. Bawat school ay hinahangad na makuha ang titulo, of course. Who would want it, right? Iyong ilan nga dito ay napapapikit pa at may iilang nagku-cross fingers pa hoping na ang kani-kanilang school ang banggitin.

Maging kami man, ay gano'n din. Marami naman kaming panalo, but of course, we can never be so sure na kami na nga ang mag-uuwi ng tropeyo for the champion. Lalo na't the other schools got their share of wins as well.

 

"And the overall champion is... none other than..." pabitin ng Emcee.
 
 
The pale white girl even has the time to rome around her eyes, looking at the audience who were all hoping to be the champion. Halos lahat kami ay nagpipigil na ng hininga. Hinihintay na lumabas sa bibig ng magandang babae sa entablado ang maganda o masamang balita.

We held each other's hands creating a circular bond, kaming mga magkakaibigan. Yeah, now... I can officially declare Ivan and his friends as our friends, too. I didn't know, how'd it happen. Parang kailan lang nagbabangayan pa kami. Ni halos ayaw makita ang isa't isa. Pero ngayon heto na. It just came, and we're just like, 'let it be'.
   
  

"The overall champion is none other than..." pag-uulit ng emcee. "... none other than Hitler's Academy! The defending champion! Congratulations!"
   
  

Nanlalaki ang mga matang tinignan namin ang bawa't isa. We almost dropped our jaws upon the announcement.

We are the champion!

Halos hindi kami makapaniwala kami na nga ang nanalo. Kami uli!
   
 

"Guys? Nanalo tayo?" bulong ni Brix sa amin na isa-isa rin naming tinanguan.
  
  

"Nanalo tayo," Ivan whispered. "Nanalo tayo!"

       
     
Napahawak kami nina Hana sa aming nakaawang na mga bibig. Ilang linggo rin itong pinaghandaan ng buong H. A. We want to hit that spot dahil kami ang champion no'ng nga nagdaang taon. Nakakahiya naman kung mababawian kami. Napakalaki at napakabigat na pressure iyon sa buong school.
  
  
Nang tuluyan ng magsink in sa utak namin ang katotohanang iyon, sabay-sabay kaming napatalon at nagsisisigaw.
    
   

"NANALO TAYO!"

  
   
Nagyakapan kaming tatlo nina Hana at Piol.
  
   
"OMG!!!!" Piol squealed out of happiness.
  
   
I can't blame her. Ako man ay masayang-masaya rin. I can't even say anything dahil napapangiti lang ako sa tuwa.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Ivan. And there I saw him grinning from ear to ear while talking towards his friends. Ewan ko ba, but it makes me even happier nang makita ko ang tuwang iyon sa mukha niya. This is the first time I saw him this happy. Genuinely happy.

Siguro napansin niyang nakatingin ako sa kaniya kaya nabaling sa akin ang atensyon niya. I beamed at him and mouthed the words...
 
   
"Congratulations."
  
  
Lalong lumaki ang ngiti niya. Parang piniga ang puso ko sa saya nang makita iyon. Nanunubig ang gilid ng aking mga mata sa labis na kasiyahan.

With longer and faster strides, he immediately closed the distance between us. Ngayon, sobrang lapit niya na sa akin.
   
   
"We won, babe....we won," he whispered to me.
 
 

The NGSB CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon