The Group Conversation...
"UNA NA kayo. Pupunta pa kasi ako ng gym eh."
"Huh? Eh diba nanuod ka na kahapon kasi nga pinilit ka do'n sa cafeteria. Bakit manunuod ka uli?" takang puna ni Piol.
Akala ko nga rin okay na 'yong kahapon dahil nanuod naman na ako. Pero iyong siraulong 'yon kasi pinababalik ako ngayon. Hindi ko naman magawang tumanggi kasi nga 'yong picture.Dapat talaga ma-delete ko na 'yon. Kasi kung hindi, baka habangbuhay na akong sundan ng pamba-blackmail niya. Baka sa susunod kung ano na ang hingin niya. Jusko. Hindi ko na paaabutin sa ganoo. Susulusyunan ko na iyon ngayon.
"Bakit ka nga ba babalik do'n?" this time si Hana na ang nagtanong.
She was eyeing me. Tila may hinahanap na sa sagot sa mukha ko. Kaya madaling inayos ko ang sarili. Hindi niya pweding mahalata na may itinatago ako sa kanila. Nakakahiya iyon. Shucks!
Lagot na, ano bang idadahilan ko?
"Aahh kasi..."
"Dyms!"
Dyms? Teka sa'n ko nga ba uli narinig 'yon?..Ah oo, kay Christoph. Tama. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganoon. Teka asan ba siya?
Then as if on cue, nakita ko siyang naglalakad palapit sa amin.
Oh God! Thank you!
"Hi Dyms!" bati niya sakin nang makalapit na siya.
"H-hi. " I replied stuttering.
Paano ba naman kasi ang gwapo niya talaga. Ang ganda ng ngiti niya. Tsaka sobrang bait pa, ang layu-layo ng ugali niya sa Casanovang 'yon.
"Ughm" nabalik ako sa katinuan nang tumikhim si Piol.
Tinaasan niya ako ng kilay and they gave me this 'care-to-introduce-him' look.
"Ahh... Yeah girls this is Christoph my f-friend. Journalist siya dito sa H.A." tukoy ko sa lalaking katabi ko. "And Christoph they are Hana and Piol my besties," sabay turo ko naman sa kanila.
Napangiti ako habang tinitignan si Chirstoph. Thanks to him. Oh shucks. He just saved me, and he wasn't even aware that he just did.
Nagbatian sila. Magtatanong pa sana si Piol ng kung anu-ano nang sumingit ako.
"So... kaya nga ako pupunta ng gym dahil sasamahan ko siya para mag-observe sa athletes, hindi ba?"
Pinanlakihan ko si Christoph ng mga mata para kumbinsihin siyang sakyan ang palusot ko.
Sana naman magets niyang kailangan ko ng tulong niya.
At laking pasasalamat ko nang dahan-dahan siyang tumango. Naguguluhan man sa nangyayari ay mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.
"Ah oo tama," isang alanganing ngiti ang pinawalan niya.
Nagkatinginan naman silang dalawa. Malamang hindi pa rin sila kumbinsido, pero bahala na.
"Sige, una na kami, bye!"
Hindi ko na sila hinintay pa na sumagot. Mabilis na hinila si Christoph papuntang gym.
"Pupunta ba talaga tayo ng gym? Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"Wag ka ng magtanong, samahan mo nalang ako."
"UY CHRISTOPH, salamat nga pala sa pagsama sa'kin dito ha. Kahit na alam kong nagtataka ka, sumama ka pa rin, kaya thank you," sabi ko sa kanya habang nakaupo kami sa isa sa mga bleachers dito sa gym at nanunuod ng practice game nina Ivan.
BINABASA MO ANG
The NGSB Casanova
Teen FictionTrisha Landymore Perez, grew up in a loving home with her parents. Growing up she was pampered and was given everything she needed in life. But then, growing up, she has also been wanting to have an older brother... someone she could rely on, someon...