CAPITULO CINCO - Target: LOCKED

13.9K 203 0
                                    

CAPITULO CINCO 

MARIANA'S POV

Four days ko na siyang classmate.

And so far... iniisnab lang ako ni Mr. Lalaking-Nagtakip-Ng-Bibig-Ko-Sa-Wedding.

So does it mean I should relax?

Lagi naman kasi siyang tulog sa klase. Kahit na katabi ko na siya sa Math subject dahil sa paiba-ibang sitting arrangement na iyan, tulog lang siya. O kung hindi kaya ay nakatanaw lang sa bintana.

Kaya hindi makapagtapos kaagad eh.

At Gray Sanchio Martinez pala ang name niya. I found out nung nakita ko yun sa pinasa niya na papel na pinaabot sakin ng classmate namin sa teacher namin sa english nung pinagsulat kami about our summer vacation.

Maikli lang ang sinulat ni Gray sa papel.

Last summer, I had fun. Until a wedding crasher ruined my cousin's wedding.

Ingleserong frog! Tama ang grammar! Pero OHMYGOSH.

It's about me?!?!?! O__________O

________________

GRAY'S POV

Sawa na ako sa kakamasid sa babaeng ito for four days. Sawa na ako makiramdam.

Feel ko na kilala pa niya ako.

Panay ang tingin kasi niya sa akin, kahit na magka-seatmate kami, susulyap pa siya sa akin.

Matagal-tagal ko na rin pinag-iisipan kung paano paparusahan ang babaeng ito na ikasisiya ko naman.

:) Until the idea came to me last night.

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!

Tamang-tama, tapos na ang last subject namin.  Habang kausap pa ni so-called, Mariana Gonzaga ang kanyang little friend, sinukbit ko na ang bag ko at kinaladkad siya palabas ng classroom.

Nagpupumiglas pa siya kaya nilingon ko. Tumigil kami saglit para masabihan ko siya.

"Wag ka'ng magulo, o malalaman nila ang ginawa mo sa kasal ng pinsan ko."

O__________O Nanlaki ang mga mata niya. Shocked. Pero cute. HEHE. Parang naging chibi na anime ang hitsura niya.

Kaya nagpahila na siya sa akin.

Hmmmmmm... Siguro sa kotse ko na siya kakausapin.

Pumunta na kami sa parking lot.

"Get inside," sabi ko sa kanya nang pagbuksan ko siya ng pinto.

Pumasok na siya kaya sinara ko na ang pinto at pumasok na ko sa kotse, umupo sa driver's seat.

"Hoy," tawag ko sa kanya. Nanaig kasi ang katahimikan sa pagitan namin ng matagal-tagal.

"Bakit?" tanong niya na nakanguso pa. Clueless.

"Bakit mo ginulo yung kasal ng pinsan ko hah?"

Sinulyapan niya ako sandali, tapos tumitig lang siya sa dashboard.

"Paano mo naman nalaman na pipigilan ko yung kasal at tinakpan mo agad ang bibig ko?"

Medyo tumawa muna ako. So, hindi niya ako nakilala nung nang-wedding crash siya ng ibang tao before my cousin's wedding?

"Nakita na kasi kita sa isang kasalan. Nakaputi ka pa nun tapos naglulupasay ka pa para matigil yung kasal," I scoffed. "Bitter ka ba sa pag-ibig?"

Inirapan niya ako. "Hindi po ako baliw para gawin yun dahil lang sa bitter ako." >.<

"So, bakit mo nga ginawa?"

"Pakialam mo ba?"

Nasapo ko na lang ang ulo ko. "Tell me a good reason bago kita parusahan."

O____O -- "PARUSAHAN!!??" This time humarap na siya sa akin.

"Alam mo ba ang naging resulta ng panggugulo mo sa kasal ng pinsan ko, hah? Heto. Kaya nakikita mo ako ngayon dahil iyon sa ginawa mo."

O____________O -- Hindi pa rin niya gets. I can see it in that look on her face.

Napakamot tuloy ako ng ulo. I gripped her arm.

"Ganito," sabi ko, "you're going to be my girlfriend. Magpapakita tayo sa Papa. I'll try to reverse the story you made. Sabi mo ikaw yung babae sa bachelor's party na nagalaw ni Luisito, right? I'll change the facts, then, pwede nang magpakasal si Luisito kay Cassandra Ayala."

Tinulak niya ako palayo. "Baliw ka ba? Bakit ako?"

"Dahil ikaw ang nagpasimula ng lahat ng ito," I hissed.

"Tsaka, bakit mo ba ito ginagawa, mister?"

"Para maging akin na yung hacienda namin at corporation."

My reason is as simple as that.

"Mukhang pera ka pala eh," aniya saka tumalikod para buksan yung kotse ko. Pero hinila ko siya paharap ulit sa akin. Napasobra ako ng hila kaya napatukod niya yung mga kamay niya sa dibdib ko.

"Listen," sabi ko, "kung ayaw mo'ng ipagkalat ko ang ginawa mo na eskandalo, you'll do what I want."

_______________

MARIANA'S POV

OH NO. O__________O 

May plano kami ni Marissa na magpunta sa computer shop together nang bigla ako'ng kaladkarin ni Mister Gray palabas ng classroom papunta sa dark-tinted windowed car niya na Ferrari. :O Tahimik lang kami, until nagsalita na siya.

At oo... natatandaan pa niya ako.

At pati pala sa wedding ni Gary, nakita na rin niya ako.

PATAY. 

O__________O Mas ikinagulat ko naman yung sinabi niya na magpapakilala ako sa tatay niya na girlfriend niya. At sa threat niya. *gulp*

Ipagkakalat niya na wedding crasher ako. At marahil, ipagkakalat din niya ang inimbento ko na kwento na nagalaw ako ng pinsan niya. OH NO. O___________O

"Now," patuloy niya habang ako ay nanatili lang na tahimik, "paglabas mo ng kotse ko, I want you to open my door and kiss me before you leave."

What the? DEMANDING?? Siya na itong nang-black mail...

"Pag hindi mo ginawa, lagot ka sa akin bukas."

Binuksan ko yung pinto at lumabas muna bago ko siya sinigawan.

"AT SINONG TINATAKOT MO?!" then I slammed the door close.

Hindi muna ako ipapahiya ni Mr. Gray siguro. Dahil kailangan pa niya ako para mapunta sa kaniya yung hacienda na tinutukoy niya.

And while ganito pa ang sitwasyon, kailangan ko nang makaisip ng way out sa gusot na ito.

Pero nahihiya ako na sabihin kay Tita Mia.

Lalo na at mag-isa lang pala ako ngayon sa bahay dahil kaninang umaga ay nagpunta na siya sa Palawan. May cart race kasi roon at racer si Tita kaya.... Tsk! Ayaw ko muna na mamroblema siya.

I have to think of my own strategy.

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon