CAPITULO BENTE-SIETE - Ang Nakaraan ni Gray

6.2K 90 0
                                    

CAPITULO BENTE-SIETE - ANG NAKARAAN NI GRAY

GRAY'S POV 

"GRAY!!!!!!!!"

Sigawan iyon ng milyon-milyong tao pagkababa ko ng eroplano.

Narito tayo sa NAIA, taong 1998.

Kabataan ko pa. Nasa peak ng successful showbiz life.

Hindi talaga ako mahilig sa showbiz. Mahilig ako sa rap. Malay ko ba na magiging sikat ako dahil sa pag-rap.

Sa pag-rap ko kasi naibubuhos lahat ng galit ko sa mundo.

Sa bawat lyrics, malulutong na mura ang sahog.

At natutuwa naman ang mga tagapakinig kahit na ang mga kantang sinusulat at nira-rap ko ay nagagawa ko lang pag ako ay nagdurusa at nasasaktan.

"Wala ka ba'ng gagawing matino sa buhay mo, hah?"

Sigaw ni Papa sabay tadyak sa akin.

Nahuli ako na may mga plastic ng cocaine sa ilalim ng kama.

Di ako makalaban ng ayos. Malakas pa rin ang tama ng droga sa akin. Kakahithit ko lang ng pangatlong plastic bag nang dumating ang Papa.

Hindi naman talaga ako malululong sa droga eh----

Kung hindi puro si Luisito ang inaasikaso niya.

Si Luisito na bibo at hindi sobra sa tahimik na tulad ko na di na halos nagsasalita. Si Luisito na friendly at masunurin samantalang ako ay ilag sa mga tao, nasa isang sulok at puro libro ang kinahaharap.

Swerte ko na lang nang magkaroon ako ng kapatid. Lalong nawala sa akin ang atensyon nila kaya nakalasap ako ng kaunting kalayaan.

Inom lang. Nagsimula sa pa-shot-shot. Tapos tagayan na.

Dumami ang kaibigan ko. Naging maimpluwensya ako.

Parang ang lakas-lakas ko.

Pati mga babae na di ko naman nililigawan, kinabukasan, malalaman ko na lang sa iba na may syota na pala ako. Kaya sex life ko- sakto

Pero pampainit lang sila ng katawan--- at ulo.

Kaya wala ring nagtagal.

Lalong pumanget ang imahe ko nung maging rapper ako. Kasi mas lalong dumami ang masasamang impluwensya. Naging laman pati ako ng mga blind items. Hanggang sa lantaran na ako siraan ng mga writer sa dyaryo. Hindi ko sila masisisi. May mga picture eh. At tama naman ang sinasabi nila. Minsan naka-hit and run na ako. Nanggulo sa bar. Nakipag-riot sa restaurant o di kaya ay nakipag-basag-ulo.

Hanggang sa ipadala na lang ako ng Papa sa Amerika.

Hindi ako nag-aral doon. Di naman ako inglesero eh.

Kaya hayun. Late na ako nag-high school.

Pagbalik ko ng Pilipinas, parang chalk lang ako na binura ng basang eraser. Wala nang bakas ni Gray Martinez ang naiwan sa isip ng mga tao. Buti naman at ganun. Tumigil na ako sa droga nun. Nakakaawa ang Mama eh. Alak at sigarilyo na lang ako. At ang masama kong ugali.

Tungkol naman kay Alice. Naging kaibigan ko siya nung pumasok ako ng third year high school. Siya naman first year.

Mabait eh. Kaya nagustuhan ko naman. Naging kami.

Pero parang tawag lang ng laman ang lahat. Hehe. Alam niyo na kung ano ang nangyari.

Pagkatapos ko makuha ang gusto ko- break.

Ganun ka-simple.

Tapos... bigla na lang pumasok si Mariana sa eksena.

*ubo* *ubo*

"Mariana?" tawag ko sa kanya sa dilim.

"B-Bakit?" salita niya.

"Bakit ganyan ang boses mo? Naiyak ka no?"

"Hindi no. Buti kung drama yung kinuwento mo, eh puro-"

"Puro ano?"

"Wala po."

Ano kaya ang nararamdaman niya ngayon?

MARIANA'S POV 

Ang gusto ko sa lalaki--- yung hindi tulad ni Gray.

Kaya parang ang sakit na malaman na...

Ganun siya.

Noon pa yun. Oo, alam ko, pero...

... sa dami ng naging babae niya.

Magiging koleksyon lang din kaya ako?

"Matulog na tayo, oy," sabi niya tapos, naramdaman ko na lang yung kamay niya na humaplos sa hita ko, tapos tumaas sa bewang ko at hinila ako para mayakap.

Pumikit na lang ako.

Parang it's so unfair. Ewan.

Parang sana ako rin maraming naging lalaki bago siya. :(

Siguro insecure ako. Iyon nga. Baka nga.

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon