CAPITULO TREINTA'Y TRES - Ang Salarin

6.3K 101 6
                                    

CAPITULO TREINTA'Y TRES - ANG SALARIN

GRAY'S POV

Hindi pa rin okay si Mariana.

Gusto ko sana siyang samahan pero gusto niya mapag-isa kaya sa guest room na siya natulog at ako naman ay nasa kwarto ko lang.

Halos di rin naman ako nakatulog ng kumpleto.

Tsine-check ko rin kasi si Mariana.

Nung una umaalis ako agad pag sinisilip ko siya sa pinto.

Umiiyak lang kasi siya ng umiiyak.

Tapos nung sumunod, tulog na siya.

Pero pabalik-balik pa rin ako sa guest room.

Napagdesisyunan ko nang matulog kaya pumasok ako sa guest room para kumutan siya at halikan sa noo.

Alas-tres na ng madaling araw.

Nag-ayos na ako para sa school. Medyo malayo kasi ang bahay ko sa school kaya alas-tres pa lang gumigising na ako para saktong alas-cinco aalis na ako ng bahay at mga 5:30 o 6:00 nasa school na ako.

Nakauniporme na ako nang sumilip ulit ako sa guest room.

Gising na si Mariana. Nakaupo siya at yakap ang tuhod niya.

Kumatok ako at pumasok sa loob.

Umupo ako sa gilid ng kama.

"Huwag ka na munang pumasok ngayon," sabi ko sa kanya. "Dito ka lang sa bahay. Kakain ka ha? Tsaka wag ka na masyadong magi-iiyak diyan."

"Gray, Papasok ako sa school-"

"No. Hindi ka lang makaka-focus sa pag-aaral lalo na sa sitwasyon mo ngayon."

Tapos niyakap ko siya.

Ayaw ko siyang iwanan sana sa mga panahon na ito.

Kaya lang kailangan ko pang hanapin yung nambubugbog sa mga first year na naninira sa akin.

Tumayo na ako at bumaba na sa salas.

"Gising na siya?" tanong ni Mama sa dulo ng hagdan.

"Opo. Ikaw na ang bahala sa kanya ha?"

Tumango ang Mama. "Natawagan mo na ba ang mga magulang niya?"

Umiling ako. "Hindi eh. Pero dadaan ako mamaya sa bahay nina Mariana. Itatanong ko sa kapitbahay niya kung alam nila ang number ng magulang ni Mariana. Kung hindi naman, kay Mariana ko na lang mismong itatanong."

"Sige-sige. Pupuntahan ko na siya sa guest room. Ingat sa pagpasok, anak."

Tumango ako, tapos lumabas na ng bahay at sumakay ng motorsiklo.

Nang makarating ako sa school, pinaligiran ako nina Ino at Marissa.

Madalas yatang magkasama ang dalawang ito ah.

"Gray, nasa inyo si Mariana?" tanong sa akin ni Marissa.

Tumango ako. "Pano mo nalaman?"

"Nabalitaan ko yung nangyari sa Tita niya."

"Tatawagan ko nga mamaya ang parents niya para ipaalam ang nangyari."

O_____O "Bakit? Kilala ka na ba ng parents ni Mariana?" tanong ni Ino.

"Hindi. Pero kailangan eh. Namatay ang Tita niya, eh di mag-isa na lang ngayon si Mariana."

"Nasa bahay pa rin nila ang mga pulis, Gray," balita ni Marissa. "Pero bulung-bulungan na suicide daw ang nangyari. Hindi pa nga lang alam kung bakit. Kaya lang, baka hindi na malaman pa. Alam naman natin na mahirap lang sila Mariana at wala masyadong pangtustos sa mga paimbestiga na yan."

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon