Special Chapter #2

5.8K 73 5
                                    

Buti na lang at nakaatras ako kaagad paloob sa mga halamanan.

Shet. Hindi ko pa natamaan si Gray nang kalabitin ko ang gatilyo ng baril.

 Itinutok ko ulit sa kanya ang baril.

 Sheesh. Kinakabahan ako. Paano kasi itong si Mariana, nakatingin sa pwesto ko.

Hindi ko naitago mabuti ang kamay ko.

 Pero ayos na rin kahit hindi ko na itago. Nahaharangan siya ng mga braso ni Gray. Hindi niya ako mapipigilan o malalapitan. Kahit anong tingn ang gawin niya, natatakpan pa rin ako ng mga halaman.

 Tumira ulit ako.

 Saktong napalingon si Gray sa gawi ko kaya itinago ko na ang kamay ko na hawak pa rin ang baril.

 Magaling siya umilag. Sinuswerte yata masyado ang lalaking ito.

 Hinila niya agad si Mariana at tumakbo na sila palayo.

Siya namang labas ko mula sa halamanan habang sinusuksok ang baril sa likurang bulsa ng pantalon ko.

Nilapitan ko ang kabayo na iniwan ni Gray.

 Hinaplos ang mukha nito.

 Bingi ang kabayong ito kaya kahit putok ng baril wala siyang reaksyon.

 Siya namang dating ng isa sa mga trabahador sa rancho ng hacienda.

"Naiwan nina Gray," sabi ko sa kanya.

 Tahimik lang na tumango ang trabahador at saka kinuha ang kabayo para ibalik sa kwadra nito.

 Naglakad na lang ako. Babalik na ako sa bahay. Panigurado na magugulat si Gray pag nakita niya ako rito.

 Pero bahala na.

 Sayang talaga. Kung bakit ba naman kasi hindi ako magaling sa pamamaril man lang. Puro mga gawaing maginoo lang ang naituro sa akin. Tsss.

 Kailangan ko nang ma-satisfy ang sarili kong uhaw sa paghihiganti.

 Kailangan ko na silang pagbayarin sa ginawa nila sa akin.

 At siyempre, uunahin ko si Gray sa mga papatayin ko.

 Ang lalaking noon pa man ay kinaiinggitan ko na dahil lahat na yata ay nasa kanya na...

 ... ang yaman, mga kaibigan, kalayaan at isang babae na nagkamaling mahalin siya.

 Samantalang ako...

 Habang naglalakad ay nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na may makakakita sa akin na kakilala ko.

 

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon