CAPITULO CUARENTA'Y UNO - Hacienda Verona

6.6K 82 0
                                    

CAPITULO KWARENTA'Y-UNO - HACIENDA VERONA

INO'S POV

Wow. Himala.

Nagyaya si Gray na sumama ako sa gala nila ni Mariana.

"Ako na ang bahala sa sasakyan. Susunduin ka na lang namin diyan mamaya ha?" patuloy ni Gray sa kabilang linya.

"Eh, oo naman. Pwede ko bang isama si Kristine?"

Sa sobrang abala kasi ng author kay Gray at Mariana, hindi na ninyo nalaman na nagkabalikan na kami ni Kristine.

"Hindi," tipid na sagot ni Gray. "Best friend ko lang ang pwede."

"Hehe. Best friend na pala tayo sa lagay na ito?"

"Ulol. Hehe. Basta maghanda ka na. Oo nga pala, kamusta na ang pilay mo?"

"Ayos na, tol."

"Buti naman. Mangangabayo kasi tayo. Marunong ka ba?"

"Sus, hindi pa pa nga ako nakakasakay ng kabayo eh."

"Hehe. Sige, yung maamo lang na kabayo ang sasakyan mo mamaya sa gagalaan natin. Be prepared."

"Siya."

Binaba ko ang ang cellphone ko. Wow. Mukhang horseback-riding ang trip namin ni Gray ngayon. Sayang at hindi ko pala pwedeng isama si Kristine.

Nag-ayos na ako ng sarili at nagpagwapo pa lalo. 

MARISSA'S POV

"WHAT?"

"Oh, bakit naman, Marissa? Anong masama run?" tanong ni Gray sa akin habang nagmamaneho. Katabi niya sa unahan ng sasakyan si Mariana.

"Bakit pati si Inocenciong panget kasama pa?!"

"Eh best friend ko yun eh," sagot pa rin ni Gray. "Magkaaway ba kayo nun?"

"TALAGA!" sabi ko. "Best, parang ayoko na sumama."

"EEEE, Marissa please naman~" makaawa ni Mariana. "Tagal na nating hindi nagkakabonding tapos aayaw ka pa. Sige na... "

"Eh ayoko makita si Inocenciong Panget!"

"Bakit? Crush mo ba yun?" parang tukso sa akin ni Gray.

"Hindi hah?" sagot ko. "Malisyoso ka talaga, Gray!"

"Di naman pala eh,eh di dedmahin mo na lang pag inasar ka. Alam mo naman na ganun talaga yang si Ino eh. Malakas ang tama minsan."

Tumigil na ang sasakyan ni Gray sa tapat ng bahay ni Ino. Nakaabang na sa gate nila si Ino kaya within a few seconds, nasa loob na siya ng kotse at katabi ko.

"Wow, narito rin pala si Marissa!" Tawa niya. "Double date ba to?"

"Sasakalin kita pag di ka nanahimik!" banta ko sa kanya na tinawanan naman ni Ino.

"Wag kayong pasaway sa pupuntahan natin," sabi ni Gray. "Kung hindi, iiwanan ko kayong dalawa roon."

Asar naman oh~

MARIANA'S POV

Nakarating na rin kami sa tinutukoy ni Gray na Hacienda Verona.

I can't help to say... WOW.

Ang ganda talaga. Ang lawak. Green na green at maraming tanim.

"Kita mo yan?" baling ni Gray sa akin. "Yang may parang malaking-malaking kubo. Iyan ang kwadra ng mga kabayo. Nariyan din yung racho sa hacienda. Mamaya pupunta tayo diyan."

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon