CAPITULO CUARENTA'Y CUATRO - Aksidente

6K 87 0
                                    

CAPITULO CUARENTA'Y CUATRO - AKSIDENTE

GRAY'S POV

Hopshet. Mani. Popcorn.

"Ikaw?!" angil ko kay Luisito. Binitawan ko si Mariana at hinarangan ko.

Tumawa si Luisito.

"Wala na ang lahat. Pati ang mga katulong. Ang mga trabahador din, pinauwi ko ng maaga."

Shet. Alam ko, pero hindi ko naman pinagdudahan si Luisito.

Shet talaga.

"Bakit? Dahil ba ito sa naudlot ninyong kasal ni Cassandra? Di ba napag-usapan na nating tatlo ito? Tutulungan ka namin na mapigilan ang kasal nila ng bago niyang lalaki-"

"WALA NA!" sigaw niya. "Huwag na!"

      \      /

O_____O

At nagsimula na ngang magkwento si Luisito...

"Ako na naman ang naghahandle ng Hacienda Verona at Cumpania de Marti ah? Bakit hindi mo pa ibigay sa akin, Tiyo?"

Pabalik-balik lang ng lakad si Tito Gregorio nun. Nasa library kami ng bahay nila ni Gray. Nakarating na siya ng gabing iyon galing sa Manila. Kahapon pa siya dumating from China. Pinarada ko pa ng ayos ang kotse at nag-over heat pa ito kaya natagalan ako sa labas.

Pagpasok ko ng bahay, si Yaya Matilda na lang ang nasalubong ko dahil abala si Mariana at Tiya Lucia sa pagluluto raw. Sinabi niya na pumanhik na si Tiyo Gregorio sa kwarto niya kaya naisipan ko na pumunta sa library. Sakto naman naroon siya. Nag-usap kami hanggang sa napunta rito sa komprontasyon ko sa kanya.

"Luisito! Wake up! Alam mo naman na ikaw ang pinagkakatiwalaan ko sa business na iyon pero hindi ko pinangako sa iyo na mapapasayo ang kumpanya't hacienda. Hindi ba't ikaw ang nag-volunteer na mamahala kahit na ang iyong Kuya Roberto ang pinaghahandle ko?"

Napahampas ako sa lamesa. "Hindi naman yata pwede iyan, Tiyo! Buti sana kung natuloy ang kasal ko kay Cassandra!"

Napabuntong-hininga si Tiyo.

"Buti nga at hindi natuloy ang kasal ninyo, Luisito."

Galit kong hinawakan ang collar ng polo niya.

"Mabuti? Anong mabuti? Mahal ko siya!  At ako na sana ang hahawak sa negosyo ng mga Ayala kung hindi lang nangelam ang baliw na estrangherang si Mariana!"

"Huwag na huwag mong pagbabalingan ng galit mo si Mariana."

"Aba't parang concerned ka na dun ah. Dahil ba sa girlfriend siya ng pinakamamahal mong basagulerong anak!?"

"Huwag mo akong pagtataasan ng boses, Luisito! Gusto mo ba na sabihin ko sayo ang totoo? Ginamit lang kita! Dahil ayoko na hawakan ni Gray ang mga ari-arian ko. Bakit? Para maitago siya sa mga kaaway ko sa negosyo. At ang kasal ninyo ni Cassandra, nakipag-sabwatan ako sa ex mo na si Mia, para matigil yun. Malay ko ba na si Mariana ang gagamitin niya para mapigilan ang kasal ninyo ni Cassandra?  Bakit? Dahil bukod sa gusto ko na ikaw ang humawak sa kumpanya at hacienda dahil di ko pa pwedeng ipahawak yun kay Gray, ay nahuli ko si Cassandra na may kalampungang iba nang mamasyal ako sa mall. Luisito-"

"PUTCHA! Tama na!"

Natahimik siya.

"All this time, you know the truth. Damn you, Tito!"

"I just protected you from your bitch, Luisito."

"Hindi lang dahil kay Cassandra kaya kita sinusumpa, kundi sa sinabi mo na ginamit mo lang ako para maitago si Gray sa mga kaaway mo sa negosyo. After all the years that I worked hard for your stinking farm and goddamn company!"

Lumayas na ako sa bahay na iyon.

Na may poot at panghihinayang.

Sana pala hindi ako nagpakamasunurin kay Tito Gregorio.

"At ang tungkol sa Tita Mia mo, Mariana?" dugtong ni Luisito. "Pinagahasa ko siya sa Palawan."

Napalingon ako kay Mariana. Nagdilim ang mukha niya.

"Paano kasi, nalaman ko kaagad na siya ang may pakana ng pagpigil sa kasal namin ni Cassandra, dahil magkahawig kayo."

"WALANGHIYA KA!" sigaw ni Mariana at susugod na siya pero nayakap ko siya para mapigilan.

"Akin na ang hacienda, at mamamatay ka na rin, Mariana. Dahil pag nakikita ko ang pagmumukha mo, para akong minumulto ng baliw mong tiya na nagpakamatay na sa depresyon!"

"LUIS!"

"HULE KA!!!!!!!!!!" sigaw ni Ino na biglang sumulpot sa likuran ni Luisito para tabigin mula sa kamay niya ang baril at ipitin ito sa sahig.

Agad kong pinulot ang baril.

Nag-wrestling sa sahig si Ino at Luisito. Si Marissa naman, umakyat ng hagdan at nilagpasan sila para yakapin si Mariana.

"Pano kayo nakabalik?" tanong ni Mariana kay Marissa.

"Itong si Ino kasi. Nakita raw niya si Luisito na may baril sa likod ng pantalon. Kinutuban ng masama. Eh, ayaw na sana niyang pansinin kasi baka isipin natin na praning na siya. Pero sa huli eh, ayun, dinagukan yung driver para mawalan ng malay tapos bumalik kami dito. Nag-aalala nga yan kasi gabi na kami nakarating."

Yumakap lang ng mahigpit si Mariana kay Marissa.

"Salamat at dumating kayo."

"UGH!"

Napatingin kami kina Ino at Luisito.

Agad kong nilapitan si Ino na nasa ibabaw ni Luisito para itayo siya. Pagkahila ko ay dumere-deretso ng gulong pababa ng hagdan si Luisito.

Duguan na siya nang marating ang pinaka-paanan ng hagdan sa ground floor. 

 

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon