CAPITULO TREITA'Y UNO - James Band Aid & James Bone

6.2K 85 2
                                    

CAPITULO TREINTA'Y UNO - JAMES BAND AID & JAMES BONE

INO'S POV

Hindi ko naman akalain na mismong recess time na kami magsisimula na maghanap ng salarin sa bugbugang nagaganap sa mga first year. 

Parang SWAT team lang. O sundalo. O military. O espiya kami ni Gray na nakatago sa likod ng puno.

Ako nakatayo. Siya naman nakaupo sa tabi ko. Feel na feel yata ang pang-eespiya.

"Sino ba ang una mong suspect?" bulong ko sa kanya habang nag-aabang kami ng mga estudyante na papunta ng canteen.

"Si Ricardo."

"Yung boyfriend ni Alice?"

"Oo."

"Bakit iyon? Tropa kami nun nung first year pa siya at third year ako," kwento niya. "Hehe. Siya talaga ang may crush kay Alice pero naunahan ko siya. Tapos ngayon, girlfriend niya si Alice pero ako pa rin ang hinahabol. Hehe. Hindi talaga siya ang una kong suspect, pero siya ang uunahin ko na matyagan."

"Ganun?" sabi ko na lang.

Pag sinuswerte nga naman si Marissa. Hindi ko siya mato-torture ngayon. XD

Buti na lang at nasa wallet ko yung picture na pang-black mail ko at hindi ko naiwan sa bag.

MARISSA'S POV

Kalkal. Kalkal.

"Hoy! Bawal yan!" kantyaw ng isa naming papalabas na classmate.

Pero dinedma ko lang siya.

"Talagang wala?" tanong ko kay Mariana.

Kanina ako ang naghahalungkat sa bag ni Ino. Pero dahil wala akong makita, si Mariana naman ang pinaghalungkat ko.

"Wala talagang picture," sabi niya. Pati nga notebook niya pinaghahahalungkat ko na. Ano ba kasi ang meron sa picture na yun?"

TT^TT 
"WAAAAAAAH!" niyakap ko siya. "Mariana! If you only knew! It's my MOST embarrassing picture!"

She patted my back.

"Okay, okay, kakausapin ko na lang si Ino."

"NO!" sabi ko agad. "Baka lalo niyang ipagkalat ang picture na yun kasi malalaman niya na nagsumbong ako sayo :(( "

"Ano ba ang pinagagawa niya sayo?"

"P-Parang kayo ni Gray. Kunwari girlfriend. Pagseselosin namin si Kristine."

"Break na sila?"

"Tampuhan lang," sabi niya. "Hindi mo alam? Puro si Gray kasi nakikita mo eh."

Biglang nag-blush si Mariana.

"Actually, feeling ko, hindi na kami nagpapanggap eh. Parang totohanan na ang lahat."

O_____O "ANO?"

"Oo, mahal na mahal ko na siya."

Bigla kaming nakarinig ng kalabog ng pinto sa classroom.

Paglingon namin sa may bintana, si Albert ang nakita namin na naglalakad paalis.

Naghalungkat ulit kami sa bag ni Ino.

"Miss Gonzaga," tawag ng isang sophomore sa amin mula sa pinto. "Nasa school clinic si Inocencio at Gray."

O________O O_________O

"ANO?"

MARIANA'S POV 

Kahit nakakatawa, hindi ko pa rin nagawang matawa nang makita si Gray sa school clinic. May band aid ito sa gitna ng ilong at sa mga braso.

Si Ino naman, may band-aid din sa mga braso, tapos may bandage sa kaliwang braso. Nabalian ng buto yata.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Marissa.

Nilapitan ko naman si Gray at hinawakan ng hintuturo yung band aid niya sa ilong.

"Aw~"

"Anong nagyari sa pange-espiya ninyo, ha? James Band Aid?"

"Isali mo na rin sa mga sasagot sa tanong na yan si James Bone," dagdag ni Marissa, patungkol kay Ino.

"James Bone ka diyan, macho macho ko tatawagin mo akong buto-buto."

"Eh nabalian ka ng buto eh," sagot ni Marissa kay Ino.

"Ayos lang kami, hon," sagot naman sa akin ni Gray. "Eh, nasobrahan kami sa pange-espiya. Umakyat kami ng puno. Eh bumigay yung sanga. Bumagsak pa kami sa halaman ng makahiya. May tinik-tinik pa naman."

"Tsk. Tsk."

"Kiss mo na lang ako para ayos na," request pa ni Gray.

"Wala kang kiss no,"  taray-tarayan ko. "Hindi ka kasi nag-iingat."

"Honey naman~"

"Kuu, Gray!" singit ni Ino na natatawa. "Korny mo. Hindi bagay sayo."

Inirapan siya ni Gray. "Wag ka ngang pa-epal diyan, James Bone!"

"James Bone ka diyan? Hah? James Band Aid na nasa ilong!"

Sinaway na sila ni Marissa. "Tama na nga yan," sabi niya. "Paano yan? Eh di hindi kayo makakapasok sa klase pagkatapos nitong recess?'

"Itong si Ino, uuwi," sabi ni Gray. "Ako natinik lang naman kaya-"

"Itutuloy mo pa rin ang plano ninyo?" dugtong ko.

"Kailangan eh," sabi niya, nakatitig sa mga mata ko. "Mag-iingat na ako sa susunod."

Tinitigan ko lang muna siya.

Mukhang gustong-gusto na talaga niyang pagandahin ang image niya sa school na ito.

"Mag-iingat ka."

Tumayo siya at yumakap sa akin.

"Witwiw, ang sweet corn naman ni Gray," tukso ni Ino sa kanya.

"Inggit ka lang. Yumakap ka na lang kay Marissa diyan oh," ngisi ni Gray.

"Gusto mong madagdagan ka ng band aid sa mukha, Gray?" banta ni Marissa.

Pero tumawa lang siya na parang walang pakialam.

Ngumiti na lang ako. 

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon