CAPITULO BENTE-OTSO - Good Morning?

6K 88 0
                                    

CAPITULO BENTE-OTSO - GOOD MORNING?

MARIANA'S POV 

Nakayakap pa rin sa akin si Gray paggising ko.

O_______O HALA. Dito pala ako nakatulog. Baka hanapin ako ni Mama sa guest room!

Agad kong hinawi yung buhok ko na gulo-gulo at bumangon para umalis na ng kwarto.

"Sa'n ka naman pupunta?" tanong ni Gray sabay hila sa akin pabalik sa mga braso niya.

 "Baka makita ako rito," sabi ko sa kanya.

"Dito ka lang."

"EEE!! Isusumbong kita sa Mama mo."

"Bahala ka," he groaned, tapos lalo pa siyang sumiksik sa akin.

 Oh Lord, Good morning to me :)

 Tinulak ko na siya palayo after some minutes.

"Umaga na, oy," sabi ko.

"Siya, siya, mam." Inalis na niya yung braso niya sa akin at umupo na. Naghikab pa siya.

 "Sige, doon muna ako sa guest room. Maliligo na rin ako."

"Dito na lang, hon."

 Binato ko siya ng unan.

 "Oy! Umayos ka nga?"

 Tumawa siya.

"Opo.Pagbangon ko, papunta na sana ako sa pinto nang hilain niya ako pabalik.

 "Teka, nakakalimot ka ah," sabi niya tsaka nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Instant harang ako ng mga kamay sa mukha ko.

 "Wag! Di pa ako nagto-toothbrush!"

 "Hehe. Arte neto," sabi niya tsaka pinilit na ibaba yung mga kamay ko. "Ako rin naman, Mariana. Alisin mo nga yan."

 Pagkababa niya ng kamay ko, hinapit niya ako ng yakap. Yung yakap na ipit ng mga braso niya ang braso ko kaya hindi ko na mataas ang kamay ko. Tapos inilapit niya na agad ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ako makaatras kaya nahalikan niya na ako agad.

Matagal.

Masuyo.

Malambing. :)

Tapos nilayo na niya ang mukha niya sa akin.

Tinitigan niya akong mabuti.

"Ang ganda-ganda mo talaga."

I smiled.

Tapos nawala rin.

Sinabihan din niya kaya ng ganun ang mga naging babae niya?

U____U 

"S-Sige, Gray," sabi ko tsaka agad na lumayo sa kanya. Lumabas na ako ng kwarto.

Pero bago pa ako makapunta sa guest room, napadaan ako sa hagdan.

Sakto namang may papaakyat ng hagdan. Nagkatitigan kaming dalawa. Napatigil kami sa paglakad.

O___O Si Luisito!

GRAY'S POV

Nakangiti na siya.

Ibig sabihin, nahuhulog na siya sa akin.

"Ang ganda-ganda mo," hindi ko mapigilang sabihin.

Ngumiti pa siya. Pero ilang saglit, parang nawalan ng emosyon ang mukha niya. Naging parang blangkong papel lang.

"S-Sige, Gray," sabi niya. Tapos medyo tinulak na niya ako para makaalis na siya ng kwarto.

Bakit biglang ganun? Nawala ang ngiti niya? Biglang bumilis ang pagbabago yata ng mood niya?

Napalingon ako sa kama.

O_________O

Anak ng- bakit may blood stain?

Nagalaw ko ba siya kagabi?

"Gray... Gray..."

"Mariana...."

"Go for it."

"Masasaktan ka... "

"Ayos lang basta para sayo..."

Shet! I was positively sure na panaginip lang yun!

Lumapit ako sa kama.

I checked it.

Dugo talaga.

O______O Pero bakit hindi kami hubad?

Si Mariana ang unang nagising. Binihisan niya ako?

Agad akong lumabas ng kwarto.

"Mariana!!!!"

Natigilan ako.

Pa'no kasi nakita ko si Luisito, masama ang tingin kay Mariana. Papalapit siya rito.

Agad ko siyang hinarangan.

"Luisito!" sabi ko.

"Tumabi ka diyan! Kakausapin ko ang babaeng ito!" galit na pala siya.

"Luisito, kalma lang! I will explain!"

Ako naman ang binalingan niya ng matalim na tingin. "May kinalaman ka sa kanya? May kinalaman ka ba sa pagpigil ng babaeng ito sa kasal ko? Anong ginagawa niya rito?"

"Girlfriend ko na siya, Luisito."

Bigla niya akong sinapak.

"Luisito! Tama na! Please!" sigaw ni Mariana. "Narito ako para tulungan ka!"

"Pa'no?" baling niya kay Mariana. "Nasa States na si Cassandra? PInuntahan ko na siya, but she's still acting cold toward me! Ikakasal na siya sa suitor niya next month! It's all your fault!"

"Tutulungan kita! Please, calm down. Pag-usapan natin ito."

Pagkaupo ko sa sahig, namayani ang katahimikan.

Napabuntong-hininga si Luisito.

Mukhang kakalma na siya. Ganun naman talaga si Luisito eh, madaling kausap.

"Ipaliwanag mo ang lahat sa akin." Tapos tinignan niya ako na papatayo na. "Lalo ka na, pinsan. You have a lot to explain to me."

Tssssss. Ayaw ko pa naman ng mahabang eksplanasyon na mga moments.

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon