CAPITULO CUARENTA'Y TRES - Mga Plano

6.4K 88 3
                                    

CAPITULO CUARENTA'Y TRES - MGA PLANO

GRAY'S POV

Nahablot ko na sa braso si Mariana bago ko napansin na kasama na pala niya si Luisito.

"Narito ka pala?" tanong ko sa kanya.

Ang alam ko kasi twice a month at kapag may emergency lang pumupunta si Luisito sa Hacienda Verona. Hindi naman niya kasi hilig ang hacienda. Siya yung mahilig sa computer at umupo-upo sa opisina. Naaalala ko pa pa nga nung mga bata pa kami. Siya ang nerd sa aming magpipinsan. Matalino pero bibo naman. Madaldal. Ang pinagsasabi niya ay tungkol sa mga planeta at sa Math na nauunawaan ko naman dahil, aba naman, matalino naman ako nung bata ako, nagloko lang ako sa pag-aaral.

Alanganin siyang ngumiti sa akin tsaka humawak sa likuran ng pantalon niya.

"Oo, binisita ko lang ang hacienda. I did not expect to see you and Mariana here."

"Ah," sabi ko na lang saka inilapit pa sa akin si Mariana na nakikinig lang sa amin at palipat-lipat ang tingin, "oo, pinasyal ko lang dito si Mariana at ang mga kaibigan namin."

"Ganun ba? Kumain na kayo? Magpapahanda ako kay Yaya Dolor ng makakain."

"Hindi ka pa yata nakakapasok sa bahay. Kumain na kami roon."

Tumango-tango si Luisito. 

"Since, narito ka na rin lang, how about you guys spend the night here?"

"Ganyan talaga ang plano ko, Luisito. Pero yung dalawa naming kaibigan, ipapahatid ko sa driver pauwi sa bahay nila."

"Hindi natin kasama sa overnight dito sila Marissa?" O___O singit ni Mariana.

Inakbayan ko siya. "Hindi pwede eh. Lagot tayo sa magulang nila..."

INO'S POV

Ano ba yan.

Sira ang plano.

Tumawag si Mariana kay Marissa eh.

At ngayon pabalik na kami sa malaking bahay.

"Ino," usap sa akin ni Marissa, "kamusta na pala ang parents mo?"

Tsss. Of all the topic.

"Divorced pa rin," sagot ko. "Bakit?"

Nagkibit-balikat lang siya. "Wala naman. Pagbalik natin sa bahay natin gawan mo na ako ng powepoint presentation para sa group report natin ha?"

I can't take this. Hindi ko na matitiis.

Kung hindi na ma-manage ni Gray na isakatuparan ang plano namin, pwes, ako na ang gagawa ng diskarte.

Agad kong hinila si Marissa pabalik sa pinagdaanan namin,  malayo sa paningin ni Yaya Dolor na iniwan naming gulat.

"Ino! Saan mo ba ako dadalhin, ha, panget?"

Tumigil kami sa lilim ng isang puno.

Pinalo niya ako sa braso.

"Ano naman ang trip mo ngayon ha, Inocenciong Panget?"

"M-Marissa, " hingal ko. "Eh... Magkakaproblema yata kami ni Kristine eh."

O______O

"HALA?!" sigaw niya. "Don't tell me kailangan mo na naman ako para pagselosin yun?"

Tinuro-turo na niya ako.

"HOY INOCENCIONG PANGET! KUNG MAHAL MO YANG BABAENG YAN, IKAW ANG MAGSOLVE NG PROBLEMA NINYO! HINDI YUNG DINADAMAY MO AKO HAH? ISUSUMBONG KITA KAY MAMA! HMMMMMMPH!!!!!!!"

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso bago pa niya ako pagpapaluin.

Haist. Kung alam niyo lang kung ilang beses na akong pinagpapapalo ng bruhang ito.

Tinitigan ko siya sa mata.

Serious-look nga raw, 'ika ni Gray.

Yung nakakatunaw natitig at nakaka-hypnotize.

"INOCENCIONG PANGET! Ano'ng drama na naman iteeeeeeeeeey!"

"Marissa, magkakaproblema kami ni Kristine ngayon."

"Paulet-ulet? Paulet-ulet? Bingi ba ako? Bingi? Ano bang problema hah?"

"Ikaw."

O____________O

"Because I think I am falling for you."

MARISSA'S POV

Dinagukan ko kaagad siya.

Napaluhod tuloy si Ino.

"ETCHOS MO!!!!!!!!!"

Tumalikod na ako. Babalik na ako sa malaking bahay, kay Mariana.

Bago pa ako kiligin lalo.

GRRR!! Hindi po ako pumapatol sa may girlfriend naaa!

At hindi rin ako mang-aagaw ng boyfriend.

One last lingon na lang ulet kay Ino.

Grabe naman siya, napahawak pa rin siya sa ulo niya, nakayuko at nakaupo doon.

Ganun ba kalakas ang batok ko? O___O

Okay. Tingin na ulet sa harap.

Walk straight, Marissa.

Walk straight.

MARIANA'S POV

Ang higpit ng yakap sa akin ni Marissa.

TT^TT "Girl, hindi man lang tayo nagsama ng matagal... huhu."

TT^TT "Oo nga eh." Bakit ba kasi ang possessive ng mga lalaking ito? Lalo na tong si Gray. Lahat ng oras dapat kasama ko siya. 

"Halika ka na," hila ni Ino kay Marissa pasakay ng van.

TT^TT BEST FRIEND KO. Kelan kaya tayo makakapag-bonding ulet?

"Halika na," hila naman sa akin sa bewang ni Gray papasok sa malaking house.

*KINAGABIHAN* 

Dinala na niya ako agad sa kwarto niya sa bahay na iyon.

"Dito tayo matutulog mamaya," sabi niya nang buksan niya ang pinto ng kwarto.

Neat.

O____O

"Dito? TAYO?"

Tumango-tango siya.

"TAYO?"

"Bakit, masama?"

O_O

"Wala... wala ka namang plano na ... wala ka namang plano na ano di ba? Na ano... "

"Anong ano?"

EEEEEEEEEEEHHHHH!

"Wala po," iling ko na lang.

Nilapit niya yung mukha niya sa akin.

"Promise, ipapaalam ko kaagad sayo kapag may plano akong gawin mamayang gabi sayo."

*wink*

O__________O

May plano na naman yata siya. *GULP*

Hinapit niya ako at hinalikan sandali sa mga labi.

"Mariana~"

Nalimutan ko tuloy yung tungkol sa gunshot kanina.

BANG!

Napayakap pati ako sa kanya.

"Gray," sabi ko, "wag na kaya tayo mag-overnight dito? Baka nasa panganib ka. Naaalala mo ba yung putok ng baril kanina?"

"Mariana naman eh," sabi niya saka ako nilayo para titigan niya sa mata. "Walang mangyayaring masama sa akin. Okay?"

 "Gaano kayo kasigurado, Gray?"

Napalingon kami sa nagsalita na nasa likuran ni Gray.

Si Luisito na may hawak na baril na nakatutok sa amin.

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon