CAPITULO SIETE - Tsika Nila!

11K 159 2
                                    

CAPITULO SIETE - TSIKA NILA!

MARIANA'S POV 

Wala na. BOOOOOOOM!!

THE END.

Ito na ang katapusan ng aking magandang imahe.

Ang magandang reputasyon ni Kagalang-galang Mariana Gonzaga.

Tinapunan ko ng matalim na tingin si Gray na abala sa pagso-solve ng Math problem sa notebook niya. Napansin naman niya ako at ngumisi pa ang loko. Hmph. Hindi ko mapapalagpas ang ginawa niya sa akin na kahihiyan.

Tapos na niya ako halikan nun at sasapakin ko na sana siya nang dumating itong Math teacher namin. Kaya heto, tahimik na ang lahat na nakikinig sa lecture at ngayon ay nagso-solve sa  mga notebook nila. Hindi totally lahat. Three years ko na kasing kaklase ang mga ito kaya kabisado ko na ang mga ugali nila. Puro mga patago ang mga ito lalo na pag Math class. PATAGO kumain, PATAGO matulog, PATAGO mangopya, PATAGO dumaldal...

Pero himala at hindi kasama ngayon si Gray sa mga patago.

Gayunpaman, malilintikan sa akin ang taong ito mamaya. Magkataon lang na mag-recess na kami 

"Bakit hindi ka nagso-solve?" bulong sa akin ni Gray.

Oo nga pala, katabi ko ang lokong ito sa dalawang subject- English at Math. Ewan ko ba kung bakit ganun ang seating arrangement namin. Masaya sana kung alphabetical para hindi ko nakakatabi ang mokong na ito.

Actually, mahina ako sa Math. Oo kasama ako sa top pero iyon ay dahil nahihila ng ibang subjects ang average ko. Sa natatangi at kaisa-isang Math na yan kasi ako laging palpak. Tsk. At pag ganitong Math class, nagte-take down notes lang ako. Nagsosolve lang ako pag may quiz. Pag may seatwork naman, kokopyahin ko na lang yung tamang sagot tutal hindi naman tsine-check yun ng teacher namin eh.

"Gonzaga," tawag na naman niya, "mag-solve ka nga diyan hindi yung puro ako ang iniisip mo."

Nilingon ko siya agad at tinitigan sa mata ng matalim.

"Asaness ka rin eh noh?"

"Hah. Ikaw kasi, kung hindi mo ako sinigaw-sigawan kahapon."

"So kailangan gaganituhin mo ako?"

"Gonzaga naman, sa gwapo kong ito wala kang katalo-talo kung magiging syota mo ako. Whether it's for real or not."

"I don't care. I love my reputation at loko ka, sinira mo yun!"

Pabulong pa rin kami mag-usap para walang makarinig at halos din kami nagtitinginan para hindi makahalata yung iba.

"I love my reputation," parang nang-aasar pa niya na mimic sa sinabi ko. "So panira pala ako ng reputasyon hah?"

"Malamang! Ako yung babae na hindi madaling pasagutin tapos malalaman na lang ng buong school na syota mo na ako? Hah! And to think na nasa twenties ka na at ako teenager pa lang?"

"Age doesn't matter," ngisi niya saka nagpatuloy sa pagso-solve.

"Makakatikim ka talaga sa akin, lalaki ka!" ngitngit ko.

"Makakatikim ng alin sayo?"

O___________O Samba na ako sa pagka-dirty minded niya.

"Bastos ka," bulong ko. Inilapit ko pa talaga yung bibig ko sa tenga niya para pumasok sa tenga niya yung hininga ko. Napailing-iling tuloy siya ng ulo niya.

"Wala naman akong sinasabi na bastos ah." Natatawa pa ang hudas.

"Kuya lang kita, Gray. Kuya lang kita."

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon