CAPITULO TREINTA'Y SIETE - Ang Hapunan

6K 94 0
                                    

CAPITULO TREINTA'Y-SIETE - ANG HAPUNAN

 MARIANA'S POV

Tahimik kaming naupo sa hapag para kumain ng hapunan.

Panay ang kwento ng Mama ni Gray kay... Papa tungkol sa akin. 

Ngumingiti lang naman siya.

"Anyway, Mariana," salita sa wakas ni Papa, "bakit hindi mo kasama ang mga magulang mo rito?"

"Sa Manila sila nakatira at nagtra-trabaho."

"Nakakapagtaka naman at iniwan ka nila sa Tita mo para lang sa trabaho nila?"

Ano ang gusto niyang ipunto? Parang hindi ko maintindihan...

"Eh kasi maliit lang ang income kapag isa lang ang nagtratrabaho."

"Pero ang Tita mo, natutustusan ka naman niya di ba?"

"Well, may trabaho din naman kasi siya, tsaka binibigyan pa rin siya ng allowance ng iba kong mga tito dahil bunso siya."

"Really?" anito. "Eh di mayaman din pala kayo. So, bakit maliit lang ang sweldo ng mga magulang mo?"

U______U May punto siya. Pero... hindi ko alam ang sagot sa tanong niya.

"H-Hindi ko po alam talaga," sagot ko. "Basta iyon ang sinabi nila sa akin."

Tumango-tango si Papa, tapos lumagok ng tubig.

"Pssst," bulong sa akin ni Gray, "interesado ang Papa kaya tanong ng tanong."

"Ganun?" bulong ko rin sa kanya.

Tipid siyang ngumiti tsaka tumango-tango. "Pero mag-iingat pa rin tayo."

Pagkatapos ng hapunan, niyaya si Gray ng Papa niya para makapag-usap sila ng solo.

Tinulungan ko naman sa pagliliinis ng pinagkainan sina Mama at Yaya Matilda.

"Alam mo, mukhang gusto ka na rin ni Gregorio," sabi sa akin ni Mama habang bitbit namin ang mga pinggan papunta sa lababo.

"T-Talaga po?"

"Matanong eh, ibig sabihin, interesado siya."

Tama nga yata yung sinabi sa akin ni Gray.

interesado ang Papa kaya tanong ng tanong

Pero hindi kaya interesado siya dahil isa akong wedding crasher?

GRAY'S POV

"Bakit, Papa?" tanong ko nang nasa loob na kami ng library.

Napapansin ko yata na pag mga seryosong usapan ng pamilya namin laging nagaganap sa library.

"Gray," sabi niya, "si Mariana ba ay isang Gonzaga?"

O_____O

"P-Pano mo nalaman?"

May nalalaman ang Papa na hindi ko alam. Tama ang pakiramdam ko na parang may mali.

Ipiniling ni Papa ang ulo at naglakad-lakad.

"Kasi, kilala ko ang mga magulang niya."

"Ano naman?"

"Naaalala mo pa ba si Tito Lucas mo?"

"Judge siya," sagot ko. "Ano naman ang kinalaman ng Tito Lucas dito?"

May babae at lalaki na kalalabas lang ng opisina ni Lucas nang gabing iyon.

Hindi sila nagtitinginan. Nauuna sa paglakad yung babae kaysa sa lalaki.

Pero, ang nakanakaw ng pansin sa akin ay ang mukha ng babae na parang pamilyar sa akin kasi may kahawig siya sa mga kakilala ko.

It just happened last night. Aaminin ko, kagabi pa ako nakauwi galing ng China.

Kaya lang inasikaso ko muna yung problema ko noon sa legalities sa company kaya naisipan ko na daanan muna si Lucas.

Hindi na ako kumatok. Dere-deretso na akong pumasok ng opisina niya.

"O, Kuya!" bungad sa akin ni Lucas na nagliligpit ng mga papel.

"Sino yung mga yun na kalalabas lang ng opisina mo?"

"Mga yun ba? Mag-asawang Gonzaga. Nagpa-annul na ng kasal nila."

"Ah," nasabi ko na lang. Wala na akong tinanong kasi wala na akong interes doon.

 

O_O

"At nang makita ko ulit si Mariana, parang hawig niya yung babae."

"Eh sino naman ang nahahawigan mo sa babae kaya nagkainteres ka na itanong kay Tito Lucas kung sino siya?"

"Wala na iyong kinalaman sa kwento," sagot ni Papa. "Basta ngayon, alam na natin na kaya malayo kay Mariana ang mga magulang niya ay dahil may plano na silang magpa-annul."

"Ang dami-daming Gonzaga na mag-asawa sa Pilipinas, Papa. Pa'no ka nakakasigurado na mga magulang iyon ni Mariana?"

"Well, pwede mong puntahan sa Manila ang Tito Lucas mo, i-tsek mo ang mga files nila."

Napailing ako. "Bakit ba natin pinag-uusapan pa ito, Papa?"

"Sinasabi ko lang naman sayo dahil mukhang hindi pa alam ng girlfriend mo."

"Tsss. Don't tell me may concern ka kay Mariana."

"Well, if she's the woman you really love... I'm concerned."

Hell. Naninibago talaga ako sa matandang ito.

Parang kelan lang wala siyang pakialam sa lahat-lahat ng tungkol sa akin, sa mga kaibigan ko at sa mga ginagawa ko. Tapos ngayon sasabihin niya na may concern siya sa taong mahal ko?

"Nakikilala mo pa naman yata siya, Papa. Siya yung sumira sa kasal ni Luisito," sabi ko. "Hindi ka man lang ba nagagalit?"

Kasi si Luisito nagalit. Kung hindi nga lang nakipag-negotiate sa kanya si Mariana baka lumala pa ang gulo.

"Oo naman," ngiti ni Papa. "Pero bakit ako magagalit? Maganda rin naman ang resulta. Hindi naikasal si Luisito kaya siya pa rin ang taga-manage ng iba nating properties."

Napatiim-bagang na lang ako. "Talagang ayaw mo sa akin ipa-handle ang hacienda. Kahit yung hacienda man lang, Papa, ibigay mo na sa akin!"

Ngumiti siya, tsaka umiling. "Hindi ka pa handa."

"Shet naman! Hindi pa ako handa sa edad na ito?"

"Hindi ka pa nga tapos ng high school eh."

"Marunong ako, kahit hindi pa ako makapagtapos ng high school, sisiw lang sa akin ang pagpapalakad ng hacienda!"

Napabuntong-hininga ang Papa. "Talagang gusto mo ang hacienda ha?"

"Oo naman!"

"Handa ka bang ipagpalit si Mariana para sa hacienda?"

O______O "ANO?"

"Kakainin ng hacienda ang oras mo para kay Mariana, Gray. Dapat alam mo na yan."

Napaisip ako roon ah.

Eh kung isama ko na lang sa akin si Mariana sa pagpapalakad ko sa hacienda?

Kaya lang may school pa kami eh.

Tinitigan ko na lang ang Papa. Ayos din ito eh, lahat ng dahilan gagamitin para hindi lang ibigay sa akin ang hacienda.

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon