CAPITULO TREINTA'Y NUEVE - Mga kasalanan

6.1K 92 4
                                    

CAPITULO TREINTA'Y-NUEVE - MGA KASALANAN

 

GRAY'S POV

 Taksil!

May yakap-yakap pa silang nalalaman hah!

Akala ba nila porke tulog ako makakapagtaksil na sila ng hindi ko nalalaman?
Mariana, bakit?

Bakit ka nakayakap ngayon sa kanya? 

At hindi sa akin na alam mo namang nagtatampo pero hindi mo nilambing.

Hanggang sa bahay dala ko pa rin ang galit sayo.

Bahala ka.

Magtaka ka. Mainis ka. Magalit ka. Wala akong pakialam!

"Gray!" katok ni Mariana sa pinto ng kwarto ko. 

Timing ka manggulo.

"Mamaya na!" sigaw ko. "Maliligo lang ako!"

"Pagod ka sa byahe!"

Pakialam mo ba?

Pumasok pa rin ako sa banyo. Sana mapalamig ng tubig ang init ng ulo ko.

Siguro nga hindi ko agad maaalis sa puso niya si Albert.

Sa tingin niyo ba, mamahalin ako ni Mariana kung hindi ako nagpapansin sa kanya ng nagpapansin?

Samantalang si Albert, kahit walang ginagawa, ayun! Mahal pa rin siya ni Mariana!

Pinapagod ko ang sarili ko samantalang siya, effortless na effortless paibigin si Mariana.

Karma ko na ba ito dahil sa mga pinaggagagawa ko sa mga naging babae ko noon?

Dahil sa pagrerebelde ko noon sa mga magulang ko?

Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng kasalanan ko noon?

Ito ba na masaktan ako ngayon?

Nakatapos na ako sa paliligo.

Nakatapis ako ng tuwalya nang magulat ako dahil bihis na ng pambahay si Mariana at nakahiga sa kama ko.

O_____________O

   \   /

O___O  <---- Shet. Galit nga pala ako. Galit. Galit. Galit xO

"Anong ginagawa mo rito?"

Napaupo naman siya kaagad.

"Ang tagal mo sa banyo ah? 45 years akong naghintay."

"Talaga? Bakit ganyan pa rin mukha mo? Dapat matanda ka na kung 45 years kang naghintay."

"May problema ba tayo?"

O___O

Ini-ekis ko ang mga braso ko.

"Sa tingin mo?"

Umiwas siya ng tingin sa akin. "Naku, aalis muna ako. Magbihis ka na pagbalik ko hah?"

Patayo na siya pero hinawakan ko siya sa balikat para mapaupo siya ulit. "May problema ba sa suot ko, hah?"

"Bakit, may suot ka ba?"

"Oo, tuwalya!"

Galit ako. Galit ako. Galit ako.

"Baliw."

"Bakit ka narito? Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Gusto mo nang sumama kay Albert? Sige! Go!"

"Ano bang pinagsasasabi mo, hah? Dropped-out na si Albert ah?"

"Yun nga eh, dropped out na siya sa school, eh sa puso mo, present pa rin di ba?"

"Gray! Ano ba?"

"Oh come on! Kung makayakap ka sa kanya sa school garden parang wala nga lang ako roon eh."

O_O "Anong- Gray! Siya ang yumakap sa akin!"

"Nagpayakap ka naman."

"Are you jealous?" 

Aba! At nagtanong pa kung nagseselos ako!

"Ako? Nagseselos? Hah. Hindi ako seloso."

"Hindi naman pala eh ano yang kinagagalit mo?"

"May boyfriend ka na- ako. Nakatira ka rin sa akin. Para mo akong iniiputan sa ulo sa ginagawa mo, Mariana. Boyfriend mo ako pero kung sino-sinong pinagyayayakap mo!"

"Wag ka ngang malisyoso! Nagpaalam lang sa akin yung tao!"

"Eh bakit hindi siya sa akin magpaalam? Tutal, marami siyang naging atraso sa akin!"

"Ewan ko ba sayo!"

Tatayo na naman siya pero pinigilan ko siya.

"Hindi ka aalis hangga't di pa tayo tapos mag-usap!"

"Ano pa ba pag-uusapan natin? Ang gulo-gulo mo nang kausap, Gray!"

( Hindi nila alam na naririnig na sila ng parents ni Gray sa labas ng kwarto niya.

"Pasukin mo na, Gregorio! Lumalala na yata ang away nila!" sabi ni Luisa.

"Pabayaan mo na ang mga yan," relaxed lang na sabi ni Gregorio. "Magbabati rin yan."

Lumakad na ito paalis.

"Gregorio!"

"Halika na nga rito, Luisa!" hila nito sa asawa. "Parang ganyan lang tayo noon hindi ka pa nasanay, magbabati rin yan.")

"Ako ba talaga mahal mo, hah?" titig ko sa mga mata niya.

*katahimikan*

"Sobra," sagot niya.

Hindi ko alam kung saan na napunta ang galit ko.

Mali.

May maling nangyayari sa akin.

Parang lumuwag yung pagkakatali ng tuwalya sa bewang ko.

Alam kong bawal pa si Mariana para sa ganitong mga bagay.

Pero hinalikan ko siya at inihiga sa kama.

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon