CAPITULO TREINTA'Y SAIS - Aminan

6K 94 0
                                    

CAPITULO TREINTA'Y SAIS - AMINAN 

GRAY'S POV

Ipinarada ko ang motorsiklo ko sa tabi ng bahay at agad na bumaba bitbit ang bag ko at bag ng mga gamit ni Mariana.

Papaakyat ako sa porch nang makita ko kung sino yung nakatayo sa pinto at nakaabang sa akin.

---____--- >> Si Papa. Ang Batas. Grrr.

Tiger look lang ako. Tapos umakyat na ako papunta sa pinto.

"Ginabi ka yata."

"Malamang, gabi kasi ngayon. Kitang walang kaaraw-araw o."

"Bakit pala narito ang girlfriend mo sa bahay?"

"Namatay ang tita niya, wala siyang kasama sa bahay so..."

Nagpatuloy na ako sa paglakad papasok ng bahay, nilagpasan si Papa nang...

"Nag-ampon ka ng isang wedding crasher?"

  \       / <---------- (kilay po iyan na nagsalubong xD)

---____---

Nilingon ko ang Papa.

"Alam ko ang totoo, Papa. Napag-utusan lang si Mariana."

"Iyan lang ang sinabing dahilan sayo, naniwala ka naman kaagad?"

Parang gusto na naman yata ni Papa na magsapakan kami ah.

"Oo, lasing ako nung bachelor's party ni Luisito," sabi ko. "Pero alam ko na hindi si Mariana yung prostitute doon."

Napabuntong-hininga ang Papa. "Mabait naman siya," sabi niya sa wakas. "Hindi ko kayo guguluhin.Hindi ko ipagsasabi pa ang ginawa niya sa kasal ni Luisito."

Hah? Parang di yata ako makapaniwala sa narinig ko.

"Pero," patuloy ni Papa. Napailing siya. "Wala. Wala. Magbihis ka na, para kang nakipagsapakan at marumi yang uniporme mo."

Tumalikod na si Papa.

Parang may kutob akong hindi maganda.

Basta pakiramdam ko parang hindi tama ang nangyayari. Hindi yata tama ang naging reaksyon ng Papa.

Parang may mali.

Paakyat na ako ng hagdan nang may tumawag sa akin.

"Gray!"

*instant lingon*

^_______________________________^

"Hon!"

Lumapit kaagad sa akin si Mariana.

"Bakit may pasa ka sa panga?" tanong niya.

"Wala yan."

"Lapitin ka yata ng aksidente ngayon ah?"

Hehe. Concerned talaga. I love you, honey.

"Uy!" O________O "Bakit nasa iyo yag bag na yan?"

"Ito ba?" pakita ko sa bag niyang luma na kulay itim. "Kinuha kita ng mga gamit mo sa bahay ninyo."

U_____U "A-Ano na nangyari sa bangkay ni Tita Mia?"

"Nasa morgue. Inaasikaso na raw ng iba mo pang mga tito at tita," kwento ko sa kanya habang papaakyat na kami ng hagdan. Kinuwento ko sa kanya yung mga sinabi sa akin ni Ka Asing. "Tinawagan na raw ni Ka Asing ang mga magulang mo pero tatawagan ko sila mamaya para makausap sila."

"Sus, sana hiningi mo na lang sa akin ang number nina Mama. Meron naman ako nun."

"Eh, gusto ko rin kasing dumaan sa bahay ninyo kaya kay Ka Asing ko na nahingi yung mga number, para mapagtanungan ko na rin ang matandang iyon."

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon