CAPITULO DESI-SAIS - Bago ang One On One

7.4K 111 4
                                    

CAPITULO DESI-SAIS - BAGO ANG ONE ON ONE 

ALBERT'S POV

Hinamon ako ng one on one sa basketball ni Gray Martinez, ang pinakakilala at mayamang tao, hindi lang dito sa school, kundi sa buong bayan namin.

Hmm...

MARIANA'S POV

"Sagutin mo na kasi ang tanong ko~" kulit ko kay Gray.

Biruin niyo, hanggang sa canteen nakahabol ako sa kanya para lang kulitin siya kung bakit niya hinamon ng one on one sa basketball si Albert.

O_______O Wala. Curious lang talaga ako.

"Wala ka na dun," sabi niya tsaka niya hinarap yung tindera sa canteen. "Burger nga, dalawa."

"Eh sige na, curious ako eh."

"Bakit ka naman, curious? Dahil kay Albert?"

Napatitig ako sa kanya. Parang galit na yata ang tono niya.

"Close ba kayo ni Albert?"

"Tss... "

Nakasandal pa rin sa counter yung siko niya habang hinihintay yung order niya.

"Basta mamaya, ako ang ipag-tsi-cheer mo at hindi si Albert, hah?"

"Eh~"

Tinitigan niya ako ng masama. "Boyfriend mo ako."

"Chus, eh kunwari lang naman-"

"Kaya nga eh!" parang sigaw pa niya tapos hindi na siya nakatingin sa akin.

"Bakit mo nga hinamon yung tao. Akala ko nga sasapakin mo na kasi hawak-hawak ka pa ni Ino kanina."

"Lokong yun eh. Lalapitan ko lang si Albert, hinila ka'gad ako."

"Eh bakit mo nga kasi hinamon yung tao, nananahimik naman yata."

"Wag ka na kasing makulit. Para rin ito sa ikabubuti natin."

"Natin?'

Nilapit niya ang mukha niya sa akin para makabulong siya.

"Kung kukumbinsihin natin ang lahat na magsyota tayo, dapat walang sagabal."

O__________O "So you're thinking sagabal si Albert?"

"Crush mo eh. Eh 'di sagabal!"

"Pag natalo mo ba siya, tingin mo, mawawala yung pagkaka-crush ko sa kanya?"

Natahimik siya roon. Nag-isip pa yata bago nagsalita ulit.

"Hindi nga siguro mawawala." Napabungtong-hininga siya. Ano 'to, pa-drama effect? "Pero ako ang susuportahan mo mamaya, para isipin nila na wala ka nang gusto sa Albert na yan."

"Alam mo, sa tatay mo lang naman ako magpapanggap na syota mo 'di ba? Bakit pati sa buong school-"

"Maimpluwensya ang Papa," sabi niya. Nakatingin na ulit siya sa akin ng seryoso. "Maniniwala ba yun kaagad na girlfriend kita kung nanggulo ka na sa kasal at sinabi mo na may nangyari sa inyo ni Luisito? Di ba hindi? Ngayon, maaari siyang magpa-espiya. Gusto ko, pag humarap na tayo sa kanya, walang palya na mangyayari."

"Ganun? Talagang magpapaespiya siya? Grabe naman yata."

"Hindi mo kilala ang galaw ng bituka ng tatay ko. Hindi mo madaling mapapaniwala iyan."

Dumating na yung tindera at inabot ang mga burger na nakaplastic kay Gray. Tapos, yung isa inabot niya sa akin.

"Huh?"

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon