CAPITULO DESI-SIETE - Ang One on One

7K 100 4
                                    

CAPITULO DESI-SIETE - ANG ONE ON ONE

GRAY'S POV 

KRIIIIIIIIIING!!

Hah. Nagring na ang school bell. Tapos na ang klase.

At magsisimula na ang laban xD

Sabi ni Ino, nakita raw niya si Albert sa basketball court, naglalaro. Hehe. Kunwari pa ang mokong, na-challenge din naman siya sa akin. Hindi lang na-challenge, mukhang takot na matalo ko. Haha. xD Ayun, nagkuntodo practice na!

Naku, di ko na kailangan ng practice! Ako pa! xD Parang basketball lang eh.

Naglalabasan na ang lahat. Buti na lang at nahila ko pabalik si Mariana. Palabas na rin siya ng room kasama nung friend niya. Si ano... Si Marissa. Yah. Yun yata name niya. 

"Hala?" sabi ni Mariana.

"May basketball match ako."

"Kaya nga? Pupunta na ako ng basketball court."

Lumingon muna ako sa likuran. Nakatingin sa amin si Albert xD

"Pupunta ka ng hindi ako kasama?" sabi ko tsaka ko siya inakbayan.

Bumuntong-hininga pa si Mariana. "Alright. Alright. Tara na."

xD HAHA. Wala pa ang one on one namin, one point na ka'gad lamang ko kay Albert. Hehe. Gusto ko sana siyang lingunin ulit tapos didilaan ko siya. Sisigaw pa ako ng "BELAT!!!!!!!!" Bwahaha!

MARIANA'S POV 

Hindi ko na nalingon pa si Albert nung akbayan na ako ni Gray at dalhin sa basketball court.

Ewan ko ba kung bakit parang ninenerbyos ako.

Umupo na kami sa bleacher, tapos binaba niya yung sukbit-sukbit nya na bag. Umupo ako sa tabi ng bag niya, tsaka binaba ang bag ko sa tabi nung bag niya. Naghubad na siya ng polo niya kaya naka-sandong puti na lang siya.

O______O In fairness... Hunk siya. Hindi masyadong maskulado pero HAWT.

Parang gusto ko tuloy pumikit. >_<

Pero napadilat ako nang abutin niya sa akin yung polo niya.

Amoy na amoy yung pabango niya. Parang sinawsaw lang niya sa pabango ang polo niya.

"Gagalingan ko," ngiti niya sa akin.

Parang may gustong patunayan to ah? Ang gulo talaga ng mga lalaki. Hindi mo maunawaan >o<

"Kaya mo yan," sabi ko na lang sa kanya. Nilaparan pa niya tuloy ang ngiti niya sa akin.

Tapos tumakbo na siya papunta sa lalagyan ng bola sa basketball court na iyon at kumuha siya ng isa. Paulit-ulit niyang ini-dribble. Siya namang dating ni Marissa. Umupo siya sa tabi ko.

"Whoa," sabi niya, "ito ba yung sinasabi mo na one on one?"

"Oo, Marissa."

"Bakit kaya pumayag si Albert no? Kung ako dun di ko papatulan 'tong kalokohan ni Gray eh."

"Ewan ko ba sa kanila," sabi ko, hawak pa rin ang polo ni Gray. "Ang hirap talagang intindihin ng mga lalake."

"Baka naman pinag-aagawan ka nila," tukso ni Marissa, siniko pa ako  ng loka. "Ayie. Ayie. Kung sino ang mananalo, sa kanya ka na."

O____O "Hoy, umayos ka nga, Marissa? Ano ako, trophy?"

"HAHAHA! Hindi ka naman kulay gold, pano ka magiging trophy!"

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon