CAPITULO TREINTA'Y CINCO - Pagdating ni Batas

5.7K 95 1
                                    

CAPITULO TREINTA'Y-CINCO - PAGDATING NI BATAS

MARIANA'S POV

Hapon na pero hindi pa nakakauwi si Gray. :((

Bakit ang tagal naman niyang umuwi? 

Nagaala-James Bond na naman ba siya sa pag-alam kung sino yung naninira sa kanya?

"Mariana," tawag sa akin ni Mama. Napalingon tuloy ako sa kanya.

Buti na lang at kasama ko ang mama ni Gray. Tinuruan din niya ako kanina na magluto kaya naaliw din ako ng kaunti.

Pinayuhan din niya ako tungkol sa nangyari kay Tita Mia at sinabi niya na tatawagan nila ni Gray ang mga magulang ko para ipaalam ito.

"Hindi pa po yata umuuwi si Gray?"

"Naku, oo nga," singhap niya. "Pagabi na ah?"

Saan na naman kaya napadpad yun?

"Tara doon na tayo sa kusina. Tuturuan naman kitang magluto ng menudo."

Tumango ako tsaka sumunod kay Mama. Napatingin ako sa salamin. Nakasuot ako ng puting morning dress na sleeveless. Salamat na naman sa Mama ni Gray na maganda ang taste sa damit.

Kaya lang hindi ako masyadong sanay na laging dress ang sinusuot.

Pagbaba namin ng hagdan, nagulat kami dahil may bagong dating.

Hindi si Gray o Luisito.

"Darling!" masayang sigaw ni Mama.

O___________O

Nasa baba ang matangkad na bagong dating. Tall, dark and handsome.

May bigote pa siya.

Tatay ba ito ni Gray?

TT_____TT Baket mukhang friendly naman? Si Gray lang yata talaga ang mukhang bakulaw sa kanila, mukhang siga at mukhang mananapak. 

Na love na love ko. Ayie!

"S-Sino yan?" tanong niya kay Mama nang makita ako.

Grabe. Biglang para akong sinakluban ng langit at lupa.

Masungit na ang mukha ni Ginoong Martinez. Nagdilim pa ang aura.

Now I know kung kanino nagmana si Gray.

"Relax, honey," sabi ni Mama ^____^ na nakangiti pero halatang na-tense. "Girlfriend yan ni Gray."

O____O "G-Girlfriend? Hindi naman nagdadala dito ng girlfriend si Gray ah?"

"Exactly!" Sumigla ang boses ni Mama. "Because she's soooo special, Gregorio. I really love this girl. I like her for Gray!"

(^___^0) Ahe. Si Mama nasosobrahan na yata sa support sa akin.

Iniikot ni Mr. Martinez ang mga mata niya. "Alright, alright, pero please, bumaba ka na sa pagkakalambitin sa akin, darling at pagod pa ako mula sa byahe."

Nakahawak nga pala si Mama sa leeg niya at nakalambitin.

"Sorry, darling. Na-miss lang kita." Humalik pa siya sa pisngi ni Mr. Martinez.... err.. Papa pala. :D HAHAHA!

Bumaba na ako para salubungin si Papa.

"G-Good evening po," sabi ko.

"I think I know you," ngiti niya sa akin.

Napatitig lang ako sa kanya.

"Sige, magpapahinga muna ako sa kwarto," sabi niya sa akin tapos nilingon niya si Mama. "Where's Gray?"

"Hindi pa pa nga nakakauwi eh."

"Well," napabuntong-hininga siya. "Sana makita ko siya mamaya sa hapunan. Pati itong girlfriend niya."

"That's Mariana."

Tinitigan niya ako na para bang kilalang-kilala niya ako.

"Yes. Mariana."

He patted my head, tapos umakyat na siya ng hagdan, bitbit ang maleta niya.

"Tara na sa kusina, Mariana," masayang anyaya sa akin ni Mama.

"Opo!" sabi ko. Pasunod na ako sa kanya nang biglang nagising ako mula sa pagkakahimlay sa pagkalimot.

O___________O

Ang tatay ni Gray!

Nakita niya ako sa kasal ni Luisito!

OHNOES. O__O

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon