CAPITULO NUEVE - Sino ang BITTER?

9.2K 127 3
                                    

CAPITULO NUEVE - SINO ANG BITTER?

INO'S POV

Kinabahan ako nang makarating ako sa canteen. Kahit nasa may kalayuan ay natanaw ko pa rin si Kristine- my girlfriend. Kasama niya ang mga kaibigan niya. Puro mga section C sila. At kasama nila ang ilan sa mga classmate namin tulad nina Luisa at Carmina. Nakatayo sila sa harap ng isang table.

Hindi naman totally mga bratinella ang mga ito pero kapag ginalit mo talaga sila, tiyak kalmutan ang resulta. Sila ang tipo ng mga tao na lalaban kapag nagambala mo.

*GULP* Nagmamadali akong lumapit sa kanila. Mukhang hindi pa sila nakakagawa ng eskandalo dahil dedma pa sa kanila ang iba pang mga estudyante sa canteen na kumakain. Habang papalapit ako ay napatigil ako. Natanaw ko na kasi kung sino ang mga nakaupo sa table na iyon.

Si Mariana at Marissa.

Ano kaya ang meron? Tinignan ko ulit ang grupo nina Carmina. Pamilyar sa akin ang isang mukha.

"Hi, Kristine-baby!" bati ko noon kay Kristine.

Dapat mamamasyal kami nun kaya pinutahan ko siya sa bahay niya. Bakasyon noon at katatapos lang namin ng first year high school. Sa next enrollment ay sophomore na kami.

Nasa veranda nila si Kristine, may kausap na babae na luhaan. At ang luhaang babae na iyon ay si  Alice Salvador.

"Uhh.. I think I'm disturbing you..."

"N-No," sabi ni Alice habang pinupunasan niya ang sariling luha. "Aalis na rin naman ako eh."

Nang umalis na siya ay hinarap ko naman si Krisine.

"Who's that, baby?"

"Ah, iyon ba? Si Alice yun. A friend."
"Mukhang may problema ah."
"Oo nga eh. Break na sila nung boyfriend niya. You know Gray Martinez?"

"Gray Martinez? Yung basagulero sa school natin?"

"Yup. Parang inisahan nga lang siya eh. After giving away her virginity, wala na."

Napailing na lang ako sa sinabi niya.

Hindi kaya naririto sila dahil kay Gray? Agad akong lumapit sa kanila. Pero nakangiti. Kunwari wala akong kaba na nararamdaman.

"Hi girls!" bati ko. Agad ko'ng inakbayan si Kristine. "Hi, babe."

Ngumiti siya ng matamis sa akin.

"Bakit nakatayo lang kayo rito?" Tinignan ko naman sila Mariana na nakaupo lang at nakatingin na rin sa akin. "Whoa. Narito rin kayo? Close na pala kayo kina Carmina, Mariana?"

"Actually no," nakangiting sabi ni Carmina.

Close rin naman kami ni Carmina. Mabait naman siya at kwela. Magkasundo rin kami sa maraming mga bagay. Pero tingin ko, pilit ang ngiti niya ngayon.

"Narito kami to confirm if totoong sila na nga ni Gray," patuloy ni Carmina.

"Hinalikan na siya ni Gray kanina 'di ba? Isn't it enough proof?" sabi ko.

"Well," singit ni Sandy, "baka naman si Gray lang yun. Baka naman hindi talaga gusto yun ni Mariana."

Ito rin ang gusto ko kay Sandy eh. Siya kasi ang presidente ng klase namin. Oo, napapabarkada siya kina Carmina, pero never na naging bad example si Sandy. Kahit sino kaya niyang pakisamahan at isa pa. Running for honors siya. Kasa-kasama niya si Carmina dahil since elementary magkaklase na sila. Childhood friends kasi sila eh.

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon