CAPITULO BENTE-CINCO - May Pag-Asa... Pa?

6.1K 102 2
                                    

CAPITULO BENTE-CINCO - MAY PAG-ASA... PA?

 MARIANA'S POV

O___________O

"ANOOOOOOOOOO!!!!!!!!" sigaw ko tsaka napatayo sa kama niya para lang yukuin at ituro siya.

"BINASA MO ANG DIARY KO?!"

"Hindi. Hindi. Hindi ko binasa," pamimilosopo niya pero walang kangiti-ngiti sa mga labi. Seryoso pa rin ang mukha niya.

Agad kong hinalungkat ang bag ko at hinanap yung diary tapos tinapat iyon sa mukha niya.

"Ito ba? Ito ba yun?!"

Napailing siya. Inches na lang kasi ang layo nung diary sa mukha niya. Umupo ako sa tiyan niya para talaga mailapit yun sa mukha niya.

"Alisin mo nga yang nakakasukang notebook na yan sa pagmumukha ko."

"BAKIT MO BINASA? NABASA MO LAHAT?"

"Ayoko basahin lahat. Hindi ako masokista para i-torture pa ang sarili ko sa ganyan."

O__________O

"Ano ba rito ang nabasa mo at nagkakaganyan ka, hah?" sabi ko tsaka binuklat-buklat ang pages ng diary ko.

Inagaw niya sa akin kung diary, tapos siya na mismo ang naghanap.

"ITO!!" sabi niya tapos nagsimula na siyang magbasa.

Dear diary,

Hanggang ngayon di pa rin pumapasok ang love of my life ko- si Albert. TT^TT

And to top all the kamalasan that happened to me, si Gray Martinez. Hinila niya ako sa car niya at kinausap.

Naaalala pa pala niya ang pagpapatigil ko sa kasal nung Luisito Martinez na pinsan pala niya!

>___< I really really have the feeling that I will never like this guy. Never ever.

Sa hitsura pa lang, parang hindi na gagawa ng maganda sa kapwa niya...

... pero tingin ko hindi naman talaga siya ganun.

Napatigil siya sa pagbabasa. Tahimik lang. Then, tinuloy na niya.

Parang. Basta, parang hindi naman siya nakakatakot. Aside from the fact na hindi siya nakasuot ng Halloween costume kaya hindi siya nakakatakot... HAHAHA!

Nagtataka nga ako kung bakit parang takot ang mga classmates ko sa kanya. Si Ino nga lang ang kumakausap sa kanya eh. Ayos naman ang hitsura niya. Halata nga lang na tigasin dahil sa kilos. Bagay siguro siyang maging rapper.

Baka gawa dun sa galaw niya kaya namimisunderstood siya. Tsaka sa porma niya na parang bad boy.

Tama. Iyon na siguro ang tamang word. Misunderstood. He was being misunderstood.

Hindi ko talaga siya makausap dahil sa ginawa ko sa pinsan niya. Nakaka-guilty! Nahihiya pati ako.

In fairness of him naman, gwapo. Patulis ang hair. Jet-black. Tan siya. Pero best asset talaga yung mata. Killer eye!

Hindi pa yun tapos pero tumigil na siya sa pagbabasa.

Napatunganga na lang naman ako sa kanya. Then I realized, he just read my diary. Gusto ko na tuloy magtago! O kainin na ng buhay ng lupa, o sana may dumating na UFO at tangayin na ako ng mga aliens sa outer space.

Tapos tumawa siya.

Mababa ang boses, hanggang sa yung tawa niya halos naluluha na siya.

Hala? Nawala na yata ito sa katinuan niya?

Bigla niya akong hinila pababa para yakapin.

HALA? Anong nangyari dito?

"I love you. I love you. I love you," bulong niya tapos panay halik sa buhok ko.

O_______O Anong nangyari? Anong nangyayari sa lalaking to? 

^_________^ --- comfty.comfty.comfty sa mga braso niya.

O____________O Anong nangyayari sa akin?

GRAY'S POV

 Galit na galit talaga ako nang ipaglapitan pa niya sa mukha ko yung diary niya.

"Ano ba rito ang nabasa mo at nagkakaganyan ka, hah?"

Tapos hinablot ko yung diary niya at binasa yun kahit na bawat salita ay bumabaon sa katawan ko na parang kutsilyo.

Hanggang sa mabasa ko ang mga linyang, ... pero tingin ko hindi naman talaga siya ganun.

Doon na nagsimula ang malaki kong pagsisisi na hindi ako naging matapang para tapusin ang pagbabasa nun.

May pag-asa pa ako!

MAY PAG-ASA PA!!!! Parang trip ko tuloy maglagay ng scarf paikot na ulo ko tapos magtaas ng itak at sumigaw ng MABUHAY!! (Andres Bonifacio?) 

Hindi ko tuloy napigilan na yakapin siya at paghahahalikan.

"I love you. I love you. I love you."

Motionless lang siya sa ibabaw ko.

Ibabaw ko? O____________O

Natulak ko tuloy agad siya palayo.

Nakatitig lang siya sa akin.

"Bakit ka nakaupo sa akin?"

O_O Nagulat siya tapos pagtingin namin, nakaupo nga siya sa tiyan ko. 

Kinuha niya agad yung diary niya sa tabi ng ulo ko tsaka agad na umalis.

Nagba-blush ka pa hah. Hehe. Hule.

Napangisi pati ako.

"Mangse-seduce ka pa hah?"

"SEDUCE KA DIYAN?!" Pinanlakihan pa niya ako ng mata tapos binalik na niya sa bag niya yung diary niya. "Kanina di maipinta yang mukha mo tapos ngayon ngingisi-ngisi ka pa diyan?"

"Hehe. Masyado ka naman nagsungit. Sige na nga. Halika na nga, patong ka na ulet sa akin."

"TSE! Bastos!!"

"Haha!" Natigilan ako nang makita ko na palabas na siya ng pinto. "Hoy! At saan ka naman pupunta ha?"

"Ang tagal po ng hapunan niyo, senyorito! Itse-check ko lang kung papunta na rito si Mama!"

MAMA?

"Hehe. Mama? I like that."

"Hah?" Natigilan pa siya. "NAKUUUUUU!!!!!"

Lumabas na siya ng kwarto.

Hehe. Mama na pala ang tawag niya sa nanay ko ha?

"Oo nga eh, salamat sa Mama mo. Ang ganda noh?

Hehe. Bad trip ako kanina eh, kaya ngayon ko lang napansin na kanina pa Mama ang tawag niya sa nanay ko.

May pag-asa talaga ako na matalo si Albert. Kahit hindi na sa basketball, kay Mariana na lang.

Never say never, Gray Sanchio Martinez!

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon