CAPITULO TREINTA'Y OTSO - Pamamaalam

6.3K 89 1
                                    

CAPITULO TREINTA'Y OTSO - PAMAMAALAM

 MARIANA'S POV

 "B-Bakit po dito kayo matutulog?" tanong ko kay Mama na pumupwesto na sa tabi ko sa kama dito sa guest room nila.

 "E naku! Ayoko katabi ang Papa nyo!"

 "Bakit naman po?"

 "I hate him."

 "Eh kakauwi lang niya ah?"

 "Dahil sa ginawa niya sayo."

 O___________O

 "Eh... Hindi naman masama ang-"

 "Alam ko na ang lahat, Mariana," sabi niya, nakatitig na lang sa kisame. "Inutusan ka ng magaling mong tita para pigilin ang kasal ni Luisito."

 O________O Napabangon ako.

 "H-Hah?"

 "Bata ka pa, Mariana. Alam ko na, napilitan ka lang na sumunod dahil may kapalit na maganda. Ano ba ang binayad sayo ng Tita mo para mapapayag ka na manggulo sa kasal ni Luisito?"

 Napayuko ako. Actually, gusto ko lang naman makatulong sa Tita ko, financially.

 "P-Pera."

 "Exactly," sabi niya. "Ang matandang yun talaga."

 "Eh b-bakit naman po kay Papa kayo nagagalit?"

 "Kasabwat siya ng Tita mo sa pagpapatigil ng kasal ni Luisito."

 O___________O

 Now I know kung bakit parang hindi galit sa akin ang Papa ni Gray dahil pinigil ko ang kasal ni Luisito.

Dahil siya pala ang pasimuno!
Yumakap sa akin si Mama.

 "Sa susunod, matuto ka na ipaglaban ang tama, Mariana. Kahit na nakatataas o may utang na loob ka sa taong mali naman ang pinagagawa sa iyo, wag na wag ka nang susunod, okay?"

 "O-Opo."

 *KINABUKASAN*

 "Bye!" paalam ni Gray tsaka pinaandar ang motorsiklo niya.

 Pagka-park namin, bumaba na kami.

 "Ano, Gray? Natawagan mo na ba kagabi ang Mama ko?"

 Natigilan siya sandali. Tapos napabuntong-hininga.

 "Oo, tinawagan ko na."

 "Anong sabi?"

 "Out of reach sila eh. Kaya hindi ko makausap."

 "Ganun? Sayang naman."

 "Try ko na lang ulit mamaya."

 Hinawakan na niya ako sa kamay at hinila sa classroom.

 Tapos bago magsimula ang klase, nag-anunsyo ang adviser namin.

 "Class, dahil sa pagkaka-expel sa school ni Albert dahil sa bullying issue niya, nagpa-drop out na siya."

 Nagkaingay sa room. Ang daming napasinghap sa gulat.

 Si Albert? Na-expel? May bullying issue? Nagpa-drop out?

 Napalingon ako kay Gray na katabi ko dahil first subject. Napatingin din siya sa akin, tapos binalik niya ulit ang tingin niya sa labas ng bintana.

May kinalaman yata siya sa pagpapa-drop-out ni Albert ah.

GRAY'S POV

Bakit ganun ang reaction ni Mariana?

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon