CAPITULO KATORSE - PUYAT!

7.6K 103 2
                                    

CAPITULO KATORSE

MARIANA'S POV

Nagulat na lang ako dahil paggising ko ay wala ako sa bahay.

Nasa kotse pa rin ako ni Gray.

Yung kotse niya nasa tapat na ng bahay ko.

AWTS. Nahawakan ko ang ulo ko. Ang sakit din ah! Inaantok pa ako. Napatingin na lang ako sa relo ni Gray.

SEVEN TWENTY-TWO! 

May pasok kami ngayon ah?!

Si Gray naman nakasandal lang sa balikat ko. Aba, parang baligtad yata. At bakit narito pa ito?

Nakatulog pa rito. Sana ginising na lang niya ako nung narito na kami sa tapat ng bahay ko.

Tsk. Nung itulak ko yung ulo niya paalis ng balikat ko, nagising na rin siya. Umupo na siya ng deretso tapos naghikab. Nilingon niya ako, tapos ngumiti.

Pinalo ko naman siya sa braso.

"Wag ka nga ngumiti dyan, late na tayo sa school."

"Inaantok pa ako," sabi niya na parang antok na antok pa nga tapos sumandal siya ulit sa akin.

"Uuwi na ako," sabi ko na lang sabay hikab. Ako rin kasi inaantok pa.

Paanong hindi aantukin. Pagkatapos manood sa fountain display nag-ikot pa kami sa seawall ng Mall of Asia. Wantusawa sa kainan at panonood sa street performers na nakamaskara na pang-Jabbawokeez.  Tapos sinakay niya rin ako sa Ferris Wheel...

"Ayoko nga talaga!" sabi ko habang parang kinakaladkad niya na ako palapit sa Ferris Wheel.

"Ferris Wheel lang, natatakot ka?" sabi ni Gray habang hila-hila pa rin ako.

"Hindi ako takot no!? Kaya lang... lover's ride yan! Duh?"

Hinapit niya ako sa bewang.

"Lovers naman tayo ah?"

"Sira, we're just pretending 'di ba?"

"We should date more often, para praktisado tayo. Parang hindi pa kasi tayo convincing na magkarelasyon eh."

Parang nawawala na yata sa sarili niya ang kumag na ito. Ngingisi-ngisi pa.

"Ang sweet naman nila," sabi nung babae na papalapit sa gawi namin.

"Ang gwapo nung guy no? Sweet pa. Swerte naman nung girl," sabi nung kasama niya.

Napatingin tuloy ako kay Gray na ang lapad ng ngiti. DUH!  Hindi pa ba kami convincing sa lagay na ito?

Inilayo ko na siya sa akin. Tapos dere-deretso akong lumakad. Nang mapansin ko na hindi siya nakasunod sa akin, lumingon ako.

"Akala ko ba sasakay tayo ng Ferris Wheel?"

"T-Talaga?" sabi niya. Parang may spotlight na tumutok sa kanya tapos may holy sound sa paligid niya at nagliwanag siya.

Napabuntong-hininga na lang ako tapos hinila ko siya. "Oo, tara na!"

Pagkasakay namin sa Ferris Wheel, pinagpawisan siya ng malamig tapos nakayapos sa akin.

"Natatakot ka ba?" sabi ko.

"A-A-Ako? T-Takot? Hindi- Hindi ah!"

Tinawanan ko siya.

"Hindi ka takot sa lagay na iyan?" HAHA. "Tumingin ka sa labas ang ganda ng view oh!"

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon