CAPITULO DESI-OTSO - INJURED!

7.1K 100 7
                                    

CAPITULO DESI-OTSO - INJURED!

GRAY'S POV

Putcha! 

Sakit nun ah?

Nadulas ako!

Hindi lang masakit sa binti.

Masakit sa pride!

Ewan ko kung mas marami ba ang nagulat sa natawa. Halo-halo na ang boses ng mga tao dito sa basketball court eh.

Parang ayaw ko na rin tuloy bumangon.

Higa na lang ako dito hanggang sa mag-uwian na sila. >_____<

Shet. Nakakahiya.

"Huwag nga kayo magsiksikan dito! Tumawag kayo ng tulong!"

Sino yun? 

Pagdilat ko nakaluhod na sa tabi ko si Mariana.

^_____________^ Worried siya oh.

O__________O Shet. Sa tanda ko'ng ito, bente-kwatro anyos, kinikilig pa ako? Karumal-dumal hah?

^______________^ Shet. Nakakakilig. Gusto ko na yata maihi sa pantalon ko. 

Pinilit ko na lang na makaupo pero pinahiga lang ako ni Mariana sa sahig.

"Huwag ka munang mag-gagagalaw," sabi niya sa akin tapos tumingin ulit siya sa mga tao. "Student Council Vice-President ako! Tumawag kayo ng tulong, ano ba?"

O_____O Ano'ng sabi niya? Student Council Vice-President siya?

*flashback*

Last week---- Wednesday.

"Bakit naglalabasan ng room ang mga iyon?" tanong ko kay Ino nang maglabasan yung iba naming mga kaklase ng room habang nagkaklase pa ang Physics teacher namin.

"Mga officers ng Student Council yan. May meeting yata sila."

>___< "Ganun? Tsss. Walang kwentang Student Council yan. Parang utusan lang ng guro ang labas mo diyan eh. Tignan mo nga 'tong school. Bawat taon may ganyan, pero nagbago ba? Nag-stop na ako at lahat wala namang pinagbago ang school ah? Mga walang kwenta yang Student Council officers na yan!"

^____^' ----> "Gray..."

"Mr. Inocencio Peralta!" tawag ng terror naming teacher sa Physics. "Is there something you'd like to share with the class?"

"N-No, Mam! I am not sharing. I am madamot eh!"

Tawanan.

Pero ako alanganin lang na nakangiti. Hehe.

Malay ko ba na officer ng Student Council si Mariana.

 Tumingin na siya sa akin.

"Ano'ng masakit sayo?"

Puso ko. Crush mo kasi si Albert........

"Binti ko," sagot ko.

Tumingin si Mariana sa binti ko, tapos tinulungan niya ako na makaupo ng maayos. Medyo masakit pa rin ang binti ko. Ang hanep kasi ng pagkakadulas ko eh. Medyo umikot pa ako kaya parang nag-twist yung kaliwa kong binti. Tapos yung kaliwang tuhod ko rin ang nauntog sa sahig ng baskeball court. TT^TT

"Sandali na lang, okay. Kaya mo yan. Ikaw pa eh tigasin ka."

Napangisi ako.

"Talaga! Kaya ko 'to!" Pagyayabang ko pa, tapos hinawakan ko siya sa batok at hinalikan sa lips.

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon