CAPITULO DESI-NUEVE - Meet Yaya Matilda

6.8K 89 3
                                    

CAPITULO DESI-NUEVE - MEET YAYA MATILDA

MARISSA'S POV

"Mariana..."

Nasa may hagdan lang ako, hinihintay si Mariana na lumabas ng principal's office.

Pagkaabot ko sa kanya ng bag niya sinubukan ko na matignan ang mukha niya. Parang naiiyak siya.

O____O

"What happened, Mar?" tanong ko habang sinusukbit niya ang bag niya.

Umiling si Mariana. "W-Wala."

"Anong sinabi ni Madam Principal?"

Napabuntong-hininga si best friend. "Napagalitan ako eh. Tss. Hayaan mo na nga. Tara at-"

Napatigil siya nang makita niya na akay-akay nung mga janitors na nagbuhat sa kanya si Gray.

Maybe, sinusundo na siya ng parents niya.

"Gray," usap ni Mariana sa kanya. "Tatapusin ko na ang lahat."

O____O Ano 'to? Break up?

"Anong tatapusin?"

"Ayoko na. Back-out na ako sa gusto mo."

What are they talking about? Hello? I'm here!

"Kakausapin ko na ang parents mo. Kahit si Cassandra o si Luisito. Sasabihin ko na ang totoo para matapos na ito."

Lalo ko yata hindi ma-gets ang nangyayari.

"Dahil ba ito sa nangyari kanina?"

Napailing na lang si Mariana. "Tara na, Marissa."

Dumere-deretso na siya ng lakad kaya sumunod na ako sa kanya.

"Mariana, sino yung Cassandra at Luisito? Ano yung sasabihin mo sa kanila?"

"Ikukwento ko sayo mamaya. Mag-unli ka. Text-text tayo."

Tumango ako. Nung makarating na kami sa gate, nagpaalam na ako kay Mariana. Walking distance lang naman kasi ang school sa bahay niya eh ako kailangan pang mag-commute.

GRAY'S POV

"Gray," usap ni Mariana sa kanya. "Tatapusin ko na ang lahat."

"Anong tatapusin?"

"Ayoko na. Back-out na ako sa gusto mo."

"Kakausapin ko na ang parents mo. Kahit si Cassandra o si Luisito. Sasabihin ko na ang totoo para matapos na ito."

"Dahil ba ito sa nangyari kanina?" 

NO WAY.

Naku, Mariana! Kung hindi lang ako hirap makalakad, lagot ka sa akin. 'Di ka makakaalis nang hindi tayo nakakapag-usap ng matino!

Lagot din sa akin ang principal. Parang may kung anong ginawa kay Mariana eh. Siya lang naman ang pinuntahan niya dahil kakausapin daw.

Inalalayan ako nung mga janitor pasakay ng kotse.

"Ya, pano yung kotseng dala ko?" tanong ko kay Yaya Matilda na nakaupo sa tabi ng driver namin na si Mang Paeng."

"Si Ramon na ang bahala dun. Ibigay mo na lang sa kanya ang susi."

Nakita ko si Ramon, nakaabang sa tapat ng pinto. Tsaka ko lang siya napansin. Medyo bata-bata pa si Ramon sa akin ng mga tatlong taon. Dinukot ko yung susi sa bulsa ko at inabot yun sa kanya.

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon