"And now, let me call on all the contestants to please proceed on the stage for the announcing of winners."
Naghawak-hawak kami ng kamay habang patungo sa stage. Lalong lumakas ang sigawan ng mga nanonood nang makita na kami. Pumwesto kami sa gilid at lahat kami ay nakatungo. Kinakabahan kaming lahat.
Natawag na ang mga nanalo ng third and second place at dalawa nalang na grupo ang hindi pa at isa na kami dun. Pinaglapit kaming dalawang grupo at nakipagngitian kami sa kanila at bumati ng 'Good luck.'
"And the champion for the 2016 Grand Festival of Talents is............
*drum roll*
MANOUVERS! Congratulations!"
Napatalon kaming lahat nang tawagin ang pangalan ng grupo namin. Sobrang saya ang nararamdaman namin ngayon. Sulit ang lahat ng pagod. Nagyakapan kaming lahat at di maalis ang bakas ng saya sa mga mukha namin. Nag hiyawan ang mga sumusuportan samin at paulit-ulit na sinisigaw ang grupo namin. Nag-photo-op na nang maibigay ang trophy at ang cash prize sa amin. Binati na din namin ang iba pang mga nanalo.
Pagkatapos nito ay nagkaroon kami ng salo salo sa isang restaurant at kinalaunan ay umuwi na kaming lahat.
Kasama ko ngayon ang bestfriend ko na si Bella, naglalakad kami pauwi at nang makarating kami sa bahay namin ay pinapasok ko muna siya dito para magpahinga kahit saglit.
"Ate, kamusta yung contest?" Agad na lumapit samin ang nakababata kong kapatid na si Irwin at hinihintay ang sagot ko.
Nginitian ko siya at pinisil ang magkabilang pisngi niya. "We're the champion, baby!"
Tuwang tuwa siya at yumakap siya sa bewang ko. "Wow. Congrats, ate!."
Ang cute talaga ng kapatid ko. Isa siya sa inspirasyon ko sa pagsasayaw kaya mahal na mahal ko 'to.
Binuhat siya ni Bella at hinalikan sa pisngi dahil natutuwa rin ito. Bumalik na siya sa pagvvideo game at kami naman ay umakyat sa kwarto ko.
Wala pa si Mommy. Nasa work pa siguro.
Nag-ayos na kami ni Bella para matulog at sabay na humiga sa kama. Ilang sandali palang ay nakatulog na ito at natulog narin ako dahil wala na akong kakulitan. Haha.
Kinaumagahan
*kringggg....krinngggg...kringgg*
Naputol ang tulog ko dahil sa tunog ng telepono na nasa lamesa katabi ng kama ko. Pagmulat ng mata ko ay wala na si Bella sa tabi ko. Siguro ay umuwi na. Agad kong sinagot ang telepono habang kinukusot ang mata ko.
"Bailey?" Nagtaka naman ako dahil hindi pamilyar ang boses na ito subalit alam niya ang pangalan ko. Hindi lang yun basta pangalan ko may dahilan pa sa likod nito kaya ganun.
"It's Bethany. What do you want from me?" Sagot ko.
"Oh sorry, good morning nga pala." Sagot ng lalaki sa kabilang linya.
"Ano nga kailangan mo? Tsk."
"Uhm, I heard kasali ka sa isang sikat at professional na dance group, pwede bang sumali? Or kahit magpaturo nalang sayo?" Aniya.
"Ahhh, can we talk about this later? Kakagising ko lang kasi. So, can we meet?"
"Yeah, sure. Mamaya nalang. Sorry sa istorbo. Have your breakfast na."
And then I ended the call.
Never akong tumanggi sa ganyan. Sa mga gusto ng training. Naeexcite nga ako pag nagkakaron ng bagong tuturuan. Because dancing is really my life.

BINABASA MO ANG
In the Name of Love
RomanceIn the name of love, their worlds will suddenly meet. One will fall while the other one is still in love. But then again, are they really the one for each other?