Helga x Pierre 5

43.4K 1.9K 52
                                    


HELGA.

"Nasaan si Helga?" Naririnig na niya ang iritasyon sa boses ni Pierre. Halos papalubog na ang araw at hindi na sya muling bumalik sa opisina ni Pierre matapos nilang mananghalian ni Mara sa karendirya doon sa tapat ng Laya Air.

Inubos nya ang oras nya sa pakikipagkwentuhan sa mga Aircraft Mechanic sa kumpanya ni Pierre nang dumating ang hapon. Nag-offer pa nga syang bilhan ang mga ito ng meryenda kanina at tuwang tuwa naman ang mga ito.

"Naku, Ma'am. Hinahanap ka na po ni President." Napangiwi si Mang Ramon, ang pinakamatanda sa grupo. Nagpunas ito ng bimpo sa buong mukha at bakas ang pag-aalala sa pagtawag ni Pierre sa kanya.

"Nakikipagkwentuhan lang naman ako sa inyo." Pagbabalewala naman niya.

"Eh Ma'am, hindi ho pakikipagkwentuhan ang tawag dito. Puno ng grasa ang kamay nyo at may hawak kayong screw driver.." Naiiling na sambit ni Renz. Kanina pa pinipigilan ng mga ito ang ginagawa niya pero hindi siya nagpaawat. Talagang gusto nitong matutong magkumpuni ng eroplano.  

She could tell this experience to her friends in Paris at naeexcite siya kapag naiisip yon.

"Helga!" Pierre groaned at the sight of her. Napapalibutan siya ng mga tauhan ng Laya Air at maduming madumi. Tumiim bagang ito at napakislot siya sa kaba. Mukhang nagalit na naman ito. 

"Nagpaturo lang ako---" Paliit ng paliit ang boses niya at hindi sya makatingin kay Pierre. Bakit ba hindi nya mapigilan ang pagiging pakielamera? Gusto na nyang paluin ang sarili.

"Dinala kita dito para hindi ka mainip, I didn't know that you are that bored." May pagdidiing sabi pa nito sabay hila sa kamay nito.

"P-pierre, madudumihan ka din.." Pilit na hinihila niya ang kanyang kamay papalayo kay Pierre pero mas mahigpit pa ang hawak nito at dinala sya sa wash area. Ito mismo ang nagbukas ng gripo at kinuskos ng mabuti ang kamay niya gamit ang sabon. Nang makuntento na si Pierre, binuhat nya si Helga papaupo sa sink at kinuha ang panyo sa kanyang bulsa. Tinuyo muna nya ang kamay ni Helga bago muling binasa ang panyo para ipamunas naman sa mantsa ng grasa kanyang mukha.

"You are not supposed to do that." Nakasimangot na sabi ni Pierre habang pinupunasan siyang mabuti.

"S-sorry.. Pero interesting ang ginagawa nila! Ang galing galing ni Mang Ramon, kahit matanda na—"

"Who's Mang Ramon?" Kunot noong tanong ni Pierre sa kanya.

"Yung oldest guy sa mga aircraft mechanics mo. Hindi mo sila kilala? Si Mang Ramon, ang pamangkin nyang si Renz, na kaklase ni Joseph, Nathaniel at Ronald. Hindi mo sila kilala ha, Pierre?" Nagtatakang tanong niya.

----

PIERRE.

TIPID na umiling si Pierre. Nahihiya man siyang aminin but he's not good in relating to his employees, mas inclined sya sa paghahawak ng mga kliyente kaysa sa kanyang mga trabahante. Ganoon sya pinalaki ng kanyang mga magulang.

Then, Helga, knew everyone in just one day. Kumakaway ito sa lahat ng papaalis na ito sa aircraft site. Magaan agad ang loob sa kanya ng kanyang mga tauhan at di niya alam kung ano ang magiging reaksyon doon.

"Bye, Billy!" Pagpapaalam ni Helga sa hardinero ng Laya Air. Gustong mapa-facepalm ni Pierre sa pagiging magiliw ni Helga sa lahat. Baka makidnap pa ito sa sobrang friendly.

"Kumusta ang trabaho mo?" Helga asked him pagkasakay nito sa kanyang sasakyan. He still finds it creepy because no one actually asks him how his day usually goes.

Ira Casa (Novela)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon