Helga x Pierre 20

44.1K 1.8K 171
                                    



HELGA.

Pagkatapos ng maraming luha ay mayroon na namang susunod. Inintay niyang kalmahin ang sarili. The four walls that used to be part of her so-called home was not hers. She doesn't belong to anyone, no family, no shelter, no ownership at all.

Binilang niya ang pagkakataon kung saan siya pupwedeng mag-simula mula sa walang kahit ano patungo sa pagtupad ng pangarap niya pero hindi siya makaisip kung saan nga ba banda mag-sisimula. She's lost. Para bang ipinanganak siyang muli sa isang mundong hindi para sa kanya.

She was nervously tapping the table, waiting for herself to stop sulking when the door opened, she wiped her tears before anyone could see it.

"Huwag ka nang mag-abala na punasan." Her sister, half-sister rather, stood in front of her. "Masakit ba ang katotohanan?"

Hindi niya iisiping hindi niya ito buong kapatid dahil sa laki din ng kanilang pagkakahawig. But of course, they still have the same genes. Her Uncle Ulysses was the uncle she never met. Bukod sa mga kuwentong ito ang blacksheep ng mga Ortega ay wala na siyang alam bukod doon. He who must be named ito ng kanilang pamilya, ngayon ay alam na niya kung bakit.

"Alam mo ba na h-hindi ako anak ni Daddy?" Tumayo siya sa lamesa para harapin ng maayos si Helena na nanatili malapit sa pinto.

"No one in this family ever talked about it. Bata pa din naman ako noon pero narinig ko na iyan na madalas pag-awayan ni Mom at Dad." Sabi nito na parang balewala lang iyon, "O? Bakit ganiyan ang tingin mo? You are still my sister! Si Daddy din naman ang nakapirma sa birth certificate mo at utang na loob mo iyon sa Daddy ko. But poor, Helga... Siguro naman ay alam mo kung saan ka lulugar? Don't be an ungrateful b*tch to our family and ruin our plans. You are free to leave, malaki ka naman na at sapat na siguro ang ginawang tulong sa iyo ng Daddy ko."

Nagpupuyos ang kanyang emosyon kay Helena pero alam niyang hindi naman niya maaaring sisihin ito. Kagaya niya ay wala itong kontrol sa kanyang sitwasyon.

Mabagal siyang tumango. She averted her gaze on Helena's tummy, impis pa iyon. Wala sa sariling iniangat niya ang kamay niya at hinaplos ang tiyan ng kapatid sa ibabaw ng suot nitong roba, parang napaso itong umatras at masama siyang tiningnan.

"Ano ba?"

"I'm sorry.."

"Go! Just go at huwag mo na kaming guguluhin ni Pierre! Lagot ka talaga kay Daddy kapag umeksena ka sa kasal namin!"

"Makakaasa ka, Helena." Pagkatapos non ay tumalikod na siya at mataimtim na nagpaalam sa mansyon na kaniyang kinalakihan.

Nakapagdesisyon na si Helga sa kaniyang gagawin maghapon. She wanted to talk to everyone that she will leave behind. Dinala siya ng mga paa niya sa bahay nila ni Pierre, kailangan niya itong kausapin at kukunin niya na din ang mga gamit niya. She has to thank him for everything, at least. And say goodbye properly.

Pagbukas pa lamang niya ng pinto ay naroon na si Pierre at nakaupo sa couch. He looks disoriented. She stood still. Sinubukan na walang maging reaksyon kahit na tumayo si Pierre para salubungin siya at may kung anong pwersa ang bumundol sa puso niya pagkakita lamang dito.

"Helga, tinatawagan—"

She raised her hand to stop him talking. "Alagaan mo si Helena at ang pamangkin ko."

"Helga. No. We can do this, pupwede tayong tumakas. We can—"

"At ano, Pierre? Habambuhay tayong hahabulin ng konsensya natin? Magiging ama ka na."

Ira Casa (Novela)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon