Helga x Pierre 27

55.5K 2.1K 237
                                    


PIERRE.

Simula nawalan siya ng dahilan para ngumiti, hindi na talaga niya iniangat ang labi niya maliban na lang sa mga tipid na salita at kadalasan ay mura pa.

He could just imagine Helga frowning by hearing him curse pero ano nga ba ang posibilidad na marinig siya nito kung hindi naman niya ito nakikita.

Sumimangot siya kanina sa sumingit sa kaniya sa pila papasakay sa eroplano. Sumimangot siya sa katabi niyang nasagi ang siko niya. Sumimangot din siya doon sa stewardess na hiningi ang ticket niya para tiyakin kung sa tamang business class seat siya nakaupo.

Mabuti pang magalit na lang din siya sa mundo kung hindi siya magiging masaya. Damay damay na 'to. Niluwagan niya ang suot niyang necktie at pumikit, he should sleep, bago pa niya basagin ang mukha nang susunod na mambubwisit sa kaniya.

Mabuti na lang at hindi delayed ang flight niya. He arrived at Mactan by 5PM. Galit niyang tiningnan ang paligid. Ang makukulay na poster na pinapakita ang ganda ng probinsiya ng Cebu na merong nakasulat na 'It is more fun in the Philippines' ay masyadong masakit sa mata.

He scowled. 'Talaga lang, ha. Kailan pa naging masaya ang tumira sa napakaliit na isla pero hindi mo naman makita ang hinahanap mo? Tss.'

Gusto din niyang punitin ang poster ng mga mananayaw na may bitbit na maliit na Sto. Nino na nagpapakita ng piyesta ng Sinulog.

"Bakit kayo nakangiti?" Angil niya don sa litrato, tinuro niya pa. 

Nilingon siya nung mga kasabay niyang naglalakad at mabilis ang mga ito na nilagpasan siya. Tiningnan niya ang mga ito ng masama pero mas lalo lang nagsimadali ang mga ito na makalayo sa kaniya. He shook his head in annoyance. Hindi pa siya baliw.

"Mr. Floresca! Maayong pag-abot!" A man in brown hotel uniform welcomed him warmly. Hindi na siya nakipag-eye contact. He knows he will just scowl at him, iniabot niya dito ang maliit na maleta niya at nagpatiuna na papalabas para sumakay sa van ng prestihiyosong hotel sa Mactan, Cebu.

"I need a service to Mandaue by 7PM, kaya ba iyon na makaabot doon by 8PM?" Habang umaandar ay naisantinig niya sa hotel staff na sumundo sa kaniya. The party starts at 7PM but since socializing is not his thing, ginusto niyang magpahuli na lang.

"Yes, Sir."

The ride was boring. Traffic sa Cebu, maliit ang ilang kalsada lalo na patungo sa resort. Nakahanda na sana ang reklamo niya nang makita niya na ang pangalan ng resort kung saan pumasok ang van na sinasakyan niya. Papalubog pa lang ang araw nang makarating sila roon at nang bumaba siya ng van ay narinig niya ang alon ng dagat.

"Sir, tingnan niyo muna ang dagat. Nakita ko po sa itinerary ko, madaling araw kayo aalis bukas, sayang at hindi niyo makikita ang ipinagmamalaki namin."

Gusto niyang isagot sa Hotel staff na nagpakilala bilamg si Ruel na wala siyang oras. Pero parang tinatawag siya ng dagat at nagsimula na lang siyang humakbang papalapit sa tunog ng alon na humaharana sa kaniyang pandinig.

For a brief moment, he stopped and breathe in the salty water as soon as he saw the small waves of the sea. He took everything in. Sabi nila, mabisa ang salt water para magpagaling ng sugat, baka sakalaing gumaling ang sugat sa puso niya kung lalanghapin niya ang hangin na may kalakip na amoy ng tubig alat dahil wala pang naiimbentong bandaid para sa puso.

Malas. He muttered. Ngayon lang kasi niya narealize kung gaano siya kamalas. He grew up and he thought he has everything he needs to survive adulthood. Mali pala siya. Nothing will ever prepare you for a broken bone, more so, a broken heart. Kaya malas, yung hindi ka na nga handa, pinagtripan pa siya ng tadhana.

Ira Casa (Novela)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon