Helga x Pierre 6

46.8K 2K 113
                                    


HELGA.

"Saan tayo pupunta, Pierre?" Parang bata si Helga habang patalon talon pang naglalakad papasok ng isang sikat na Engineering, Architectural, Arts and Design School sa Pilipinas. Ang bawat pasilyo ay may iba't ibang blueprint, sketches, Autocad Drawings at Artist's Perspective ng mga sikat na Engineers, Architects, Interior Designer, Artists at Fashion Designer sa loob at labas ng bansa.

Colegio De Artem Consilium

Dati ay pangarap lang niya lang na pumasok dito, lagi nyang tinitingnan ang website at iniimagine ang sarili na naglalakad sa magarbong pasilyo ng eskwelahang ito. Ngayon ay totoong totoo na! Nahahawakan niya ang artwork ng mga kilalang artists at talaga namang natutuwa siya.

"Kakausapin natin ang Dean." Pierre smiled at her.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Helga. She's having a hint pero ayaw nya muli mag-assume. Excited siyang pumasok sa loob ng isang malapad na pinto sa pinakadulong bahagi ng pasilyo ng luma pero well-maintained na eskwelahan.

Isang may edad na babae ang sumalubong sa kanila. Agad na tinanguan ito ni Pierre at naglakad ito patungo sa isa pang pinto.

"Dean, nandito po si Mr. Floresca.." Narinig nilang sambit ng babae doon sa loob ng pinto.

"Tuloy daw po kayo, Sir."

Helga smiled at her heart's content.

"Good Morning Dean.. I am with Helga Maurice Ortega and I am planning to enroll her to one of your offered courses. She went to Paris American Academy and she will continue her studies here."

Napaawang ang labi niya. How did he know that? Hindi naman iyon sikreto pero hindi nya inaasahan na alam ni Pierre ang ganoong bagay tungkol sa kanya. She never openly talked about her school and course.

"Of course.. We'll see what we can offer..." Magiliw na sambit ng matandang lalaki sa kanilang harapan. Binigyan silang dalawa ng parehas na papel tungkol sa curriculum. Kahit ang rates ay makikita doon sa papel. Napatikhim si Helga sa presyo ng nandoon, nahalata yon ni Pierre kaya bahagyang idinikit ang katawan kay Helga at bumulong sa kanyang tainga na siyang nagpaigtad sa kanya.

"You don't have to think about anything.." Pinigilan niya ng sarili na mapapikit habang inaamoy ang mabangong hininga ni Pierre. Ang init na dala nito ay gumapang hanggang sa kanyang likod. 

Come on, Helga!

Pagalit niyang muli sa sarili. Hindi siya maaring makalimot dahil hindi din ito tama. Si Pierre ay para kay Helena. At kailangan niyang maki-cooperate para mabilis na matapos ang kanilang pagpapanggap. Everything should fall into their right places really fast. 

Nang matapos ang araw ay naka-enroll na nga siya sa prestihiyong eskwelahan sa tulong ni Pierre. Abot abot ang pasasalamat niya dahil dito. Sa likod ng kanyang magandang ngiti ay nag-iisip sya ng paraan para mabayaran ang kabutihan nito o di kaya mabawasan man lang ang bigat ng gastusin nito sa kanya.

"Pierre, magtatrabaho ako habang nag-aaral." Wika niya habang binabaybay nila ang daan patungo sa parking lot. Nangunot ang gwapong mukha ni Pierre. Tuwing tinititigan niya ito ay hindi mawala sa isip niya ang pag-alala sa archangels na madalas na ipinta ng mga kaeskwela niya sa Paris. Pierre would be their favorite subject if ever.

"You don't have to, isa pa hindi ka naman sanay sa gawain—"

"Self supporting student ako noong nasa Paris. Masyado kasing mahal ang bilihin doon kaya napilitan akong magtrabaho. Sinubukan kong manilbihan sa mga club na pag-aari ng isa sa mga kaibigan ko, waitress ako doon at nagpart time din ako bilang modelo."

Ira Casa (Novela)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon