HELGA.
TILA nakakita ng napakaraming bituin si Helga, halos lumipad ang kanyang kaluluwa dahil sa kaba. Tiningnan niya si Travis na mayroong naglalarong ngiti sa mga labi kaya tumuwid siya at mabilis na dumistansiya dito.
"Thanks, Trav. H-hindi na pala ako gutom. Puntahan ko lang si Steph.."Lumayo siya agad sa binata. Sumiksik sa mga taong wala na ding espasyo sa pagitan ng mga katawan. The crowd cheered vehemently. Kasabay ng sabay sabay na pagtaas ng mga kamay ang pagsabog ng napakalakas na musika sa paligid.
"Helga!" Tawag ni Stephanie sa kanya. Nakikipagngisian ngayon ito sa isang grupo ng foreigner na nakapaikot dito. Hindi niya nagustuhan ang kanyang pwesto, there's something about guys that makes her feel uncomfortable, isa pa, nasa paligid si Pierre.
Isang blonde ang buhok na kasing puti ng papel ang ngumiti sa kanya, hindi niya alam kung paano magre-react. Sumayaw ang foreigner sa kanyang likuran at napangiwi siya.
"Kumusta?" Tanong nito sa slang na tono. He must have been in the Philippines for awhile now. Naririnig niya pa itong makipag-usap sa wikang Filipino doon sa kaibigan nitong kasayaw naman ni Stephanie.
Naitutulak siya ng mga tao kaya wala siyang choice kundi ang sumabay sa pagsayaw. Mas bigay nga lang sa pag-galaw ang kanyang nasa harap. Kinilabutan siya dahil pilit nitong dinidikit ang katawan nito sa kanya. Mas mabuti pa palang hindi na siya lumayo kay Travis dahil mas malala ata ang napuntahan niya.
Ngumiti siya ng hilaw, nag-iisip na ng paraan para tumakas nang may maramdaman siyang paghawak sa kanyang bewang. It is a heavy hand, claiming ownership, kinilabutan siya. A man dancing from her behind brought her to frenzy. Kung ordinaryong araw ay baka nainis siya. The man was really close, halos lumamon ng personal space. Bumaba ang mukha nito sa kanyang leeg pero imbes na magalit, napapikit pa siya sa malambing na pagkilos nito.
How could the mix of mint and alcohol in someone's breath would seem so sexy for her?
She swayed her hips for a bit. Mas lalo siyang hinapit ng misteryosong kasayaw sa kanyang bewang. Unti-unti ay nagsimula silang lumayo sa mga tao, the man pulling her away from the dancefloor by simply locking her waist that fits in his enclosed hands for her is erotic, para siyang binubusog sa bagong pakiramdam. Nang makarating na sila sa dulo ng dancefloor kung saan mas madilim, the mystery man hugged her from behind, and she felt familiar. Hindi lang niya mapagtanto kung ano dahil sa ingay sa kanyang paligid.
Napapikit siya sa kakaibang sensasyon. This man is tracing circles on her stomach. It was really really sensual. The man planted a small kiss on her neck, pinanlakihan siya ng mata! Nagapalinga linga siya at kinabahan. Tiyak na lagot siya kay Pierre kung nakikita siya nito ngayon.
"W-wait!" Pilit niyang kinakalas ang nakahawak sa kanyang bewang pero kitang kita niya ang pagmamatigas nito.
"P-please, wait. My husband is around." Pagsasabi niya ng totoo. Siguro ay hahamunin siya nito dahil nawala siya sa kanyang sarili pansamantala but she doesn't care! Kailangan niya ng bumalik kay Pierre.
"He must have been really really disappointed." Wika nito. Nangunot ang noo niya saka mabilis nilingon ang misteryosong lalaki.
"Pierre!" Paos ang kanyang boses, kunot noong tiningnan siya nito, hindi niya pa mapagtanto na ito pala ang mystery man na siyang sinasayawan at pinagbibigyan niya!
"Stubborn." Malamig na sabi nito.
"Pierre, I was---"
Parang ibinalik lang ng alon ang kanyang tinig dahil sa ingay sa lugar. Gusto niyang magpaliwanag. Saan kaya ito nadisappoint? Tiyak na sa napakaraming bagay! Sabi na nga ba't hindi mabuting ideya ang pagtungo niya dito. Napatakip siya ng noo.
BINABASA MO ANG
Ira Casa (Novela)
RomanceCollection of Short Love Stories ✅ 10-30 Chapters Each ✅ 3rd Person POV All rights reserved. Cover by Lhyiet Danong