Maki Say's: Sabaw update. Haha Galing sa sobrang habang sakit at katamaran (?) papatapos na to. Lapit na yay! Di din ako nagproofread. Balikan ko na lang ulit bukas. haha
HELGA.
"Sigurado ka bang nasulit mo na ang bakasyon mo?" Tumatawang tanong ni Helga kay Stephanie habang isa-isa nang kinakarga sa yate ng Elias Costa ang mga gamit ng kaibigan.
"Well, wala pa din akong naiuwing Papa, pero siguro okay na din yun. Lumalaki na ang butas ng ilong ni Travis, isang buwan na tayong nawawala doon. Malayo sa sibilisasyon. Baka namimiss na ako. Ay ikaw pala."
Ang bilis ng panahon. Ang isang buong buwan ay ginugol ni Helga sa emotional healing. Disconnected sa lahat. Hindi niya maisip na nagagawa iyon ng kaniyang ama sa napakahabang panahon. Wala itong cellphone at laptop. Isang landline lang ang meron ito para kausapin ang kaniyang mga executive assistants simula noong matagal na panahon na ang nakakaraan.
"Thank you po, Pudra." Pasasalamat ni Stephanie kay Elias. Mahinang natawa ang matandang lalaki at kumaway sa kaibigan niya.
"Mag-iingat ka. Dalawin mo ulit kami. Itawag mo lang kay Julia kapag gusto mong pumunta sa Cebu."
"Sige po, sana may pa-welcome party kayo para sa akin na exotic dancers."
"Steph!"
"Mapag-biro ang kaibigan mo, Anak."
Pinanood nilang hatiin ng yate ang tubig ng dagat pagkatapos ay sabay silang bumalik sa mansyon. Sa pamamalagi niya dito, nabilang niya agad kung ilan ang kasambahay ng ama. Lima.
Apat na babae na nahahati sa pag-luluto, pag-lalaba, at dalawa ang naglilinis ng buong mansyon. Isang hardinero na marunong ding mag-maneho ang kaisa-isang lalaki. Kahit napakalaki ng pamamahay ng ama ay nananatili ang pagiging simple nito sa lahat. The man values silence and peace more than anything else at so far, nagugustuhan niya din iyon.
"Papa, talaga po bang inapprove niyo ang design ko?" Tanong ni Helga matapos nilang pumasok sa loob ng mansyon. Nang tumagal ang pagsasama nila sa isang mansyon, pakiramdam niya nananalamin siya tuwing nakaharap dito. Gentle eyes, and even the lips speaks kindness too, just as she always wanted.
"Why? Do you doubt your talents?"
"It is just that.." Sumimangot siya, "Mukha namang inaprubahan niyo lang dahil anak niyo ako."
Masiglang natawa ang matandang lalaki, "You are my daughter, why won't you get favors from me?"
"Papa naman.."
"Anak, magaling ka. Mana ka sa Papa. Why do you discount yourself? Mapapahiya ako niyan."
"But that is just a couch! And you praise it like I discovered a cure from cancer!"
"That is your artistic impression of your love to your son."
"Naku, Papa. Hindi pa naman natin alam ang kasarian ng magiging anak ko." Umirap siya. Palibhasa ay gusto ng apong lalaki ng ama niya kaya ginagamit na ata nito ang kapangyarihan ng isip nito.
"Lalaki yan.. I can feel it." Confident na sabi pa nito. Ngumiti siya, sa kaniya ay hindi importante kung ano. Basta masigla ito at ramdam niya nga ang pag-sigla nito habang lumilipas ang mga araw na lumalaki na ito sa kaniyang sinapupunan. Dahil siguro sa napapalibutan siya ng dagat at naaamoy niya ang kapayapaan nito.
"I encourage you to make more designs, I will make a line under your name, Helga. Your name will be a houehold name worldwide. They will dream to have Helga in their homes."
BINABASA MO ANG
Ira Casa (Novela)
RomanceCollection of Short Love Stories ✅ 10-30 Chapters Each ✅ 3rd Person POV All rights reserved. Cover by Lhyiet Danong
