Helga x Pierre 17

46.8K 1.9K 166
                                        


HELGA.

Bitbit niya ang inilutong Chicken Afritada at mainit na kanin para kay Pierre, sinobrahan niya pa iyon at sinamahan ng sandwich para sa mga empleyadong maabutan non, alam niyang hirap ang buong opisina dahil sa problemang kinakaharap ng mga ito at ito lang din ang tangi niyang paraan para makatulong. 

Not much but she thinks it will ease their stress a little bit. Mas masayang magtrabaho ng busog.

Pakanta kanta pa siya nang huminto ang taxi sa harapan ng Laya Air nang tumunog ang kanyang cellphone.

She scowled at her phone. Pinuputakte siya ng mensahe ni Stephanie na hinahanap siya dahil hindi siya pumasok sa eskwela.

She thought of doing something for Pierre and his employees today. Naunahan siya nitong magising kanina at meron nang almusal sa lamesa. Nag-iwan ito ng note na sa opisina lang ito buong maghapon at haharapin muli ang problema ng Airlines. Hindi siya pumasok sa eskwela dahil gusto niyang asikasuhin ang asawa. Moral support is still a support.

Pagkababa pa lang niya ng taxi ay nakita na niya ang kumpol ng tao na naroon sa labas at kinakalampag ang opisina ng Laya Air. More or less twenty to thirty persons were there and some media representatives taking advantage of the dramatic scene.

There were news blackout on the Airlines part. Hindi na sila nagbigay ng pahayag kaya siguro nagagalit ang mga tao. Ayon kay Pierre ay pinangakuan na din nila ng danyos ang lahat ng biktima at minamadali na ang pagproseso nito.

"Ipasara! Ipasara ang Laya!" Malalakas ang sigaw ng mga taong nagpoprotesta. They were victims, too, she cannot hate them that they want the Airlines closed. Hindi maiwasan ang manisi ng kahit ano kapag nagluluksa. That's the nature of people. 

Nilawakan niya ang pang-unawa sa mga nagpo-protesta laban kay Pierre at lumapit sa kanila kahit na kinakabahan siya.

"Excuse me po.." Kinalabit niya ang may hawak na megaphone, isang matandang lalaki nasunog na ang balat sa araw dahlil sa ilang araw nang pag-poprotesta. Madungis na ang damit nito at nangangalumata.

"Sino ka, Ineng? Nabiktima ka din ba ng Laya?" Concerned na tanong ng matanda.

Umiling siya at ngumiti. "Ako po si Helga.. Helga Maurice Ortega at as—Kaibigan po ako ng mayari."

"Ortega? Hindi ba iyon ang PR ng Laya?" Merong babaeng lumapit at napaatras siya.

"Kapatid ko po, si Helena." She smiled.

"Anong ginagawa mo dito?" Sumimangot ang mukha ng matandang lalaki. "Hindi ka dapat dito! Lugar ito ng mga nag-luluksa!"

Ngumiti siya, "Nag-luluksa din po ako, kagaya niyo.."

"Hindi mo maiintidihan! Hindi mo maiintindihan dahil hindi ka nawalan. Stewardess ang anak ko sa eroplanong iyon! Pinangarap niya.." Humagulgol ang matanda sa kanyang harapan. Ibinaba niya ang bitbit na pagkain at niyakap ang matanda ng walang pag-aalinlangan.

"Sorry po.. Patawarin niyo po ako kung hindi ko mababawasan ang sakit na nararamdaman niyo. Hindi po kayo pababayaan ng Laya. Hindi namin mapapalitan ang buhay na nawala pero hindi po namin kayo iiwan ng walang pag-asa."

Yumakap sa kanya ang matandang lalaki ng mas mahigpit. Naluha din siya katulad nito. "Sorry po.." Hinagod niya ang likod ng lalaki at matapang na hinarap ang nagpoprotesta.

"May buhay mang nawala, umasa po tayo na ang gusto nila ay lumaban pa tayo sa buhay. We, did not gain from this incident but we lost a co-worker, a family and a friend. Alam ko pong masakit iyon. 20,000 na empleyado ng Laya Air ang nagluluksa din kagaya niyo sa pagkawala ng kanilang kasamahan, pero sana ay huwag natin silang tanggalan ng karapatan para magpatuloy. Hindi po ako parte ng kumpanyang ito pero ang kaibigan ko ay nag-aalala na para sa inyo, umuwi na po kayo at humanap ng kalinga sa pamilya. Huwag na po nating dalhin sa kalsada. Mabibigyan tayong lahat ng sagot at ng hustisya at makakaasa kayo na hindi kayo mag-iisa. Magdadasal po ako kasama ninyo."

Ira Casa (Novela)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon