Maki Say's: Ito yung chapter na one year in the making. Hindi niyo pa to nababasa. Brace your frail hearts :D Sa lunes na yung susunod. Magluluto muna ko. LolComments, vote, get cray cray! Wag na kayong mahiya :D
---
PIERRE.
"Sir, wala na po ang pasyente. May sumundo sa kanyang lalaki."
Kumuyom ang kamao niya. "Nung nalaman niya tinawagan namin kayo, nagpumilit siyang lumabas. Engineer Almonte paid for her bills—"
Ganoon pala. Ganoon pala ang gusto niyang laro.
Napakalaki niyang tanga para paniwalaang inosente siya at malinis na babae. Hindi siya makapaniwalang nauto siya nito ng husto. Pagod siyang nag-maneho patungo sa kanilang bahay pero hindi niya inaasahan kung sino ang makikita doon.
"Nandito ka na.." Pilit ang ngiti ni Helga.
"Tapos na kayo ng lalake mo?" Tumiim bagang siya.
"H-hindi naman seryoso, Pierre. Sumakit lang ang sikmura ko."
Hindi na siya sumagot doon. Iniwasan na niyang tingnan ito. She's a witch. Baka paganahin na naman nito ang kapangyarihan niya sa kanya. Hindi niya gustong maapektuhan pa sa kasinungalingan nito. Hindi na niya uulitin ang mga sinasabi niya dito. He wanted her to quit her job but she won't. Because she wants freedom, she doesn't want to be caged. Hindi na din niya ipipilit. Dumiretso siya sa kanya kuwarto at nakaramdam ng pagbabara ng lalamunan.
He likes the girl so much and it is so difficult to like her.
But damn it, how can he unlike her at this point?
----
HELGA.
Days passed and she's living one day at a time. Happiness is temporary. It is not true that change is the only constant thing in this world, pain is. Konswelo na lang siguro ang pansamantala itong hindi dadampi sa iyong tabi, pero dapat maging mapagmatiyag ka kung kailan ito babagsak sa iyong paanan ng walang pasabi. Kung hindi mo iyon alam ay maiiwan kang wasak na wasak.
Hindi na siya nagulat nang umuwi siya ay wala doon si Pierre, isang linggo na ding wala. Nilibang niya ang sarili sa pagluluto para intayin ito. He loved her Kare-kare at kahit nakakapagod iyong lutuin ay pinagkaabalahan niya. Napatingin siya sa orasan at nakitang alas diyes na. Kahit walang gana ay she forced herself to eat. Pinilit niya ding ang ngitian ang kanyang plato na para bang sasagot ito sa kanya ng ngiti.
Hindi niya namalayang nakatulog na siya sa harap ng lamesa, nagising na lang siya sa paglagabog sa pinto. Hindi nga siya nagkamali, naroon si Pierre. Nagmadali siyang lumapit sa pinto at dinaluhan ito. He reeks alcohol. Ibinigay nito ang buong bigat sa kanya.
"Bakit ka pa nagdrive?" She asked. Natawa lang ang lalaki.
"Helga!" There's a lazy grin on his face like she was a joke.
"Pierre, kaya mo pa bang umakyat ng kuwarto?"
Tinatagan niya ang kanyang loob. Ganito ba? Siya ba ang dahilan ng pag-sira nito sa kanyang buhay? Ang disgusto at pagkamuhi sa kanya? Then what is she still doing here? Hindi ito ang ideya, hindi ito ang gusto niya. She wanted everything in order.
"N-no, no. No!" Halos mapapikit na ito. "Mali ako ng inuwian. I was actually planning to go home. My home. Yung wala ka. Artista ka." Bahagya siyang hinawi ito at naglakad papaakyat ng kuwarto. Nasaktan siya sa ginawa nito pero mas masakit ang kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Ira Casa (Novela)
RomansaCollection of Short Love Stories ✅ 10-30 Chapters Each ✅ 3rd Person POV All rights reserved. Cover by Lhyiet Danong