Kabanata 29

60.1K 2.2K 307
                                    



HELGA


"Pero Papa---" Nakasimangot si Helga at nakakapit sa braso ng ama.

"Helga, don't be a baby. Kailangan ako sa Sweden. Meron akong high-end client na gustong magpasukat ng buong bahay niya. It is a good opportunity para sa ating negosyo. I am doing this for you."

"Papa, nandito po si Pierre. Di niya ko bati." Bulong pa niya kahit alam niyang naririnig naman siya ng binata, nasa likod nila ito at kunyari ay abala sa pag-check ng drawings na dalawang araw na niyang ginagawa.

"Kaya nga kampante ako na iwanan ka."

Napalabi siya, alam niyang marami nang tinanggihang commitments ang kanyang ama sa ibang bansa dahil sa kanya pero bakit kasi ang pakiramdam niya ay ipinagtutulakan siya kay Pierre. Gusto niya tuloy magtampo. Hindi ba nito nakikita na malamig sa kanya si Pierre dahil sa nagawa niyang kasalanan? Nagtago siya dito ng ilang buwan, pati ang kanyang pagbubuntis ay inilihim niya din.

Pinanood niya ang ama nang isakay sa likod ng van ang mga bagahe nito at isang kaway ang iginawad sa kanya. Mangiyak ngiyak siya nang bumalik sa isang rectangular table na sinet-up sa may living room area kung saan siya gumuguhit. Her father believes that she can think of new ideas kung nakaharap siya sa malawak na view ng mga bundok. Pero ang nakatakip sa bundok na iyon ay ang guwapong mukha ni Pierre at masama pa din ang tingin sa kanya.

"Helga, itong color scheme mo sa Activity Center two, parang merong mali."

Nakipagtagisan siya ng titig, talagang pinahihirapan siya ni Pierre. "Simula nagpunta ka dito, wala ka nang nagustuhan. Sigurado ka bang ako ang gusto mong kuning designer o talagang gusto mo lang ako pahirapan dahil masaya kang pinapahirapan ako?"

"Wow, what an accusation." Ngumiti si Pierre at napailing. Parang may natagpuan pa itong humor sa kanilang usapan. Nainis siya sa paraan ng pagngiti nito at gusto niyang tusukin ang mata na panay tingin sa kanya.

"The colors are too bright."

"Boring ka lang kasi kaya di mo gusto."

"I like it. I think it is better to tone down a little bit. Masyadong bright ang yellow at apple green, baka naman magsuot pa ng sunglasses ang dadaan diyan."

"Aba! Napaka-basher mo naman! Green is the color of balance, harmony and growth. Samantalang ang yellow naman, optimism at confidence."

"I have nothing against the color choices, masyado lang maliwanag ang artist impression mo. Masyadong madiin ang mga kulay."

"Eh kasi nga nagagalit ako!" Pagsabog niya. Napaawang ang labi ni Pierre. There they go, wala pang limang minutong nakakaalis ang kaniyang ama at talaga ngang nag-aaway na sila.

"Ikaw pa ang magagalit? Ipinahanap kita, Helga. Ikaw ang nagtago. Ikaw ang ayaw na akong makita. Eh ikaw nga eh, sinabi mo pang hindi ko anak ang dinadala mo. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit yon?"

"Ako! Puro na lang ako!" Hinanakit din niya, "Nagtago ako kasi ayaw ko nang guluhin ang buhay mo, ang buhay niyo ng kapatid ko. Ako lang naman ang nanggulo sa buhay mo di ba.."

"How dare you!" Mas tumaas ang boses ni Pierre. "How dare you say na ginulo mo ang buhay ko? Pero sige, yan ba ang gusto mong marinig? Well for your information, Helga, ikaw ang pinakamalaking gulo sa buhay ko."

"Salbahe ka!" She countered.

"In fact you made my life yours. Ikaw ang nagpaikot ng buhay ko simula nang dumating ka, how dare you take my life away from me? Simula nawala ka, you have no idea what I went through that I know you are possibly pregnant. Iniisip ko kung umiiyak ka ba gabi gabi at walang kasama. Iniisip ko kung meron bang bumibili ng mga pagkain na gusto mo because knowing you, you always settle for less. Hindi ko akalain na magmamahal ako ng taong ganyan ka-selfless! Sa sobrang laki ng puso mo, minahal mo ang lahat pwera ako at ang sarili mo and I hate you for that!"

Ira Casa (Novela)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon